Special Chapter

227K 3.8K 170
                                    

Special Chapter:
The End?

Bullet's Point of View

Why do they look so damn happy? It makes me angry whenever I see them smiling like that at each other. Wala man lang ba silang konsensya? Pagkatapos nilang patayin ang kapatid ko ng walang kalaban-laban, nakukuha pa nilang maging masaya. Its as if nothing happened. Those heartless bastards.

"Look at them, don't you think they all deserve to die after what they did to my sister?"

It has been a few months already pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapag-move on sa pagkamatay ng nag-iisa kong kapatid. I feel so lonely without her. May kasama nga ako ngayon pero feeling ko nag-iisa padin ako.

Its all their fault.

Nandito kami sa isang park ngayon dahil naisipan ng mga Aerondale's na magpicnic, Blaze, Keira and the twins plus Raven and Ann Dee pati na rin si Terrence. Nandito rin ang mag-asawang Aerodale at si Mr. Coltier. One big happy family kumbaga. As for me, I'm here in the shadows, observing their happy charade.

"Kelan ba tayo kikilos?" Singit ng isang boses sa likuran ko.

Ilang ulit nya na itong itinanong sa akin at ilang ulit ko na ring sinabi ang sagot ko pero parang wala naman syang naririnig.

"Soon" medyo naiiritang sagot ko.

Alam ko hindi na sya makapaghintay, ganun din naman ako. I wanted to kill them more than anything else, pero hindi pa ito ang tamang panahon.

Hahayaan ko muna sila ngayon pero kapag dumating ang takdang oras, I'll ripped that happiness apart. Magsaya na sila ngayon habang may panahon pa sila dahil kapag kumilos na ako pagsisisihan nila na pinatay nila ang nag-iisa kong kapatid.

"Whatever I'm leaving"

Hindi na nya hinintay pa ang sagot ko at basta na lang syang umalis. Impatient as always.

Katulad ko galit din sya sa mga Aerondales but unlike me who can watch them for hours, sya hindi nya matagalan ang presensya nila. Maybe because he is still bitter.

Poor Sven. If only he knew the truth ..

Yes he is alive. In fact I saved him. Pagkatapos nilang patayin ang kapatid ko, tumakas ako. Kahit na ayokong iwan ang katawan nya dun, they didn't leave me any other choice. I was surrounded by the enemy and the only thing I could do was to escape.

After escaping dumiretso ako sa Villa ng totoong parents ni Sven. That place is special to him at nasisiguro kong dun sya pupunta pagkatapos nyang bisitahin ang hideout namin.

Unfortunately I was too late. I got there the moment Sven and Keira fell in the cliff. I thought they would die, too bad they didn't.

Before rescue came, I fished Sven out of the water, mabuti na lang at walang nakakita sa amin. He was almost half dead, good thing he survived. And the rest is history.

We spend months plotting their demise. I have a plan, and I will execute that plan soon pero katulad nga ng sinabi ko kanina hindi pa sa ngayon. Atat lang talaga si Sven.

Muli ko silang pinagmasdan pero naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Someone is calling me.

Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko at ang pangalan ni Terrence ang agad na bumungad sa akin. He kept calling me ever since we broke up pero ni isa sa mga tawag nya ay hindi ko sinagot.

Hindi ko alam kung bakit tawag parin sya ng tawag sa akin. We are enemies now at sa tingin ko hindi na yun magbabago pa.

The only person I can fully trust right now is Sven. He loved my sister so much kaya alam ko kung gaano kalaki ang galit nya sa mga Aerondales.

Itinago ko na lang ang cellphone ko, kahit na ilang beses pa syang tumawag, hinding hindi ko sasagutin ang tawag nya. Besides, may importante pa akong kailangang gawin.

I need to give them something, a pink camellia to be specific. That pink camellia serves as a death threat to them pero mukhang hindi naman nila seneseryoso ito.

Pero hindi pa din ako titigil. That flower is special to my sister, its her symbol at gagamitin ko yun para ipaalala sa kanila na pinatay nila si Zoe, hindi ako titigil hanggat hindi sila nawawala sa landas ko.

As I was watching them, may lumapit sa akin na isang bata, may hawak syang sampaguita at inaalok nya ako nito. Upon seeing her a thought suddenly occurred to me. Hindi ko sila malalapitan, because they are out in the open at nasisiguro kong madaming nakakalat na men in black sa palagid, so I need something or more like someone who they wont suspect.

"Hey you, little girl. Bibigyan kita ng pera, you can keep whatever that is that your trying to sell basta ba ibibigay mo tong bulaklak na ito dun sa babaeng yun" itinuro ko ang kinaroroonan ni Keira, naglabas na din ako ng 500 pesos para mapapayag ko sya sa gusto ko.

Ibinigay ko sa kanya yung pink na camellia na dala dala ko at agad naman syang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng mga Aerondales.

Hindi muna ako umalis, gusto kong makita ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ang paboritong bulaklak ng kapatid ko.

Iniabot nung bata kay Keira yung camellia pero agad itong hinablot ni Blaze mula sa kanya at saka nya ito nilamukos, then after that parang walang nangyari, balik tawanan na naman silang lahat.

Mga hayop sila. How dare they treat my sister's flower like that?! They are clearly understimating me. Sige lang magpakasaya na sila habang may oras pa sila, pero oras na may mapatay na ako sa kanila, tignan ko lang kung makatawa pa sila ng ganyan.

"Mark my words, I'll definitely kill them all"

******

⚜️

Author's Note:

-Don't forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon