Chapter 24:
"In every situation you should expect the worst"
"Keira! Keira! Keira!" Impit na tili ni Ann Dee habang papalapit sya sa akin."Bakit? Anong meron?" Medyo nagtatakang tanong ko.
Dalawang bagay lang naman ang nakakapag-pa-excite dito sa best friend ko, tsismis at pagkain. Hinila ko sya palabas sa may veranda dahil pinagtitinginan na naman kami ng mga bisita ni Blaze. Wala na ba silang ibang pwedeng tignan kundi ako? Kung ice cream lang ako baka kanina pa ako natunaw at nag-evaporate.
"You won't believe this Keira pero nakita ko kanina dito si Sven!"
"Huli ka na sa balita" walang ganang sabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nagkita na kami kanina, in fact nagsayaw pa nga kami sa may gitna ng dance floor at hindi lang yun, kapatid nya si Raven at si Blaze"
Isahang pasabog na lang para masaya.
"Totoo ba yan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ann Dee.
"Yep"
"So anong sabi ni Blaze nung malaman nyang ex mo ang kapatid nya?"
"Uhmm"
"Ano?"
"Ang totoo nyan hindi pa alam ni Blaze na ex ko si Sven"
"Hay naku Keira, lagot ka na talaga, hiwalayan na ang ending nito"
"Hiwalayan agad-agad?"
"Joke lang na may halong katotohanan"
"Anong gagawin ko?" Nag-aalalang tanong ko.
I actually have two options. One, tell the truth. Wala namang mawawala sa akin kapag sinabi ko ang katotohanan. Maybe. Two, bury the past and pretend that nothing happened.
"Be honest" Ann Dee said.
"And why should I?"
"Hello. Honesty is the best policy. Tsaka ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Blaze kapag nalaman nya pa sa ibang tao ang katotohan. 90% of failed relationships end because of dishonesty you know"
Pagkatapos akong sermonan ni Ann Dee, iniwan nya na naman ako at ipinagpalit sa pagkain. Ang sabi nya kasi madami pa syang hindi natitikmang pagkain. If I know, hinahanap nya lang si Raven.
Lumabas muna ako sa may veranda para magpahangin. Pinagmamasdan ko yung mga bituin sa langit nung may bigla na lang yumakap sa akin mula sa likuran at agad nyang tinakpan ang bibig ko para hindi ako makahingi ng tulong.
Napakabilis ng pangyayari, walang kahirap hirap nya akong kinaladkad papunta sa maze kung saan matataas ang hedge at walang makakakita sa amin.
Pagdating sa gitna ng maze, bigla nya na lang akong ibinagsak sa damuhan. Tumalikod sya sa akin pagkatapos nito ay narinig ko ang pagkasa ng baril.
Balak nya ba akong patayin? Lord? Wala man lang po bang divine intervention na mangyayari? :')
Dahan dahan syang lumingon sa akin habang hawak hawak ang baril nya. Nagulat ako nung makita ko ang abductor ko pero mukhang nagulat din sya nung makita nya ako.
"Keira? Palpak talaga ang mga tauhan ko kahit kailan, sorry Keira muntik na kitang mapatay! Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Spade.
"O-okay lang naman ako, pero anong ginagawa mo dito Spade?" Tanong ko.
"Actually, I'm here to abduct your sister in law. Ang sabi ng mga tauhan ko sya lang ang nakaputing dress at lahat nakaitim na so the moment I saw you in the veranda I thought I got my target"
Sister in Law? May kapatid pa ba sina Blaze na babae na hindi nila naipapakilala sa akin?
"Ano bang kailangan mo sa kapatid ni Blaze?" Seryosong tanong ko.
"Kapatid? What are you talking about Keira. I'm looking for his wife, your sister in law"
Now it all makes sense. What a crazy turn of events. Iniisip ni Spade na magkapatid kami ni Blaze. Dahil siguro sa pagtawag sa akin ni Raven ng sis kaya nagkaroon ng misunderstanding sa part nya. And now he is here to abduct Blaze's wife which happens to be me.
"Ano ba ang gagawin nyo sa kanya once na ma-abduct nyo na sya?" Tanong ko.
"It's better if you don't know"
Sa tingin ko nga rin.
"By the way, how come your wearing white Keira? Supposed to be yung asawa lang ni Blaze ang naka-white dahil birthday nya"
"Birthday ko din kasi ngayon kaya naka-white ako" pagsisinungaling ko. Isang kasinungalingan na may halong katotohanan.
Habang magkausap kami narinig ko ang pangalan ko na isinisigaw ng madaming tao. Mukhang nalaman na nilang nawawala ako.
Lagot. Kung hinahanap ako ni Ann Dee at ng iba pa, ibig sabihin alam na din ni Blaze na nawawala ako! Agad akong napatingin kay Spade at naintindihan nya naman agad ang gusto kong ipahiwatig.
"I know, papalayasin mo na naman ako. But before I go I want to wish you a Happy Birthday Keira"
After saying that he suddenly pulled me towards him and kissed me on my cheeks. Bago pa man ako makapag-react tumakbo na sya sa kung saan.
Lord bakit ba lagi na lang akong nananakawan ng halik!
Sinubukan kong alalahanin yung mga dinaanan namin ni Spade kanina pero ilang minuto na akong naglalakad sa loob ng maze pero parang wala namang nagbabago sa nilalakaran ko.
Medyo sumasakit na din ang paa ko kakalakad kaya umupo muna ako sa damuhan para magpahinga saglit. Nasa ganun akong posisyon nung bigla na lang may lumabas sa may hedge dahilan para mapasigaw ako ng ubod lakas.
"Goddamit woman, stop shouting" galit na sigaw ni Blaze.
"Blaze!" Tawag ko sa pangalan ng baliw kong asawa.
Akala ko magagalit sya sa akin, akala ko sesermonan nya ako katulad ng madalas nyang gawin kaya medyo nagulat ako nung bigla nya na lang akong niyakap ng mahigpit.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na kaming magkayakap, basta ang alam ko lang pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko.
"Don't ever do that again"
"A-ang alin?" Kinakabahang tanong ko.
"Leave my side" tipid na sagot nya.
"T-teka nga, ano ba ang nangyayari sayo? Ikaw ba talaga yan Blaze?"
Naninibago ako kay Blaze ngayon, ngayon lang kasi sya nag-alala ng ganito sa akin at madalas hindi nya ipinapakita kung ano ang nararamdaman nya. Kakaiba din sa pakiramdam na magkayakap kaming dalawa ngayon.
"I don't know. I'm not my usual self today at kasalanan mo ang lahat ng ito Keira"
******
⚜️
Author's Note:
-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.
@AcinnejRen
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Romance[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...