Chapter 45:
Family.
"Keira kung wala kang balak tumulong sa pagluluto dun ka na lang kaya sa labas para hindi ka naman nakakasagabal dito, kain ka pa ng kain, hindi pa nagsisimula ang handaan pero ubos na kaagad ang pagkain"
Kukuha pa lang sana ako ng cupcake nung biglang magsalita si Ann Dee. Beast mode ang lola nyo. Kahit ako siguro ma-i-stress kung ako ang nasa kalagayan nya. Nakasalubong kasi namin ang mga magulang nina Blaze at Raven sa airport nung pauwi na kami and upon seeing them agad na ipinakilala ni Raven si Ann Dee as his 'girlfriend' and 'the ultimate love of his life'. His words not mine.
And because of that, his mother decided to invite Ann Dee to have dinner with us so she can get to know her better. At dahil gusto ni Ann Dee na ma-impress ang mga magulang ni Raven, nagprisinta syang magluto ng kakainin namin ngayong gabi.
"Wag ka ngang masyadong ma-stress, mababait naman sila" sabi ko habang pasimpleng sumusubo ng icing.
"Hindi mo ma-i-aalis sa akin yun, hindi mo ba alam na first impressions last?"
Well may point naman si Ann Dee mabuti na din yung magpakitang gilas ka sa unang pagkikita para maging maganda ang first impression sayo pero may tendency din kasi minsan na maging negative lalo na kapag minasama nung tao ang ginagawa mo. Pero kahit na ano pa man ang mangyari, nandito lang ako para suportahan ang kaibigan ko.
After several failed attempts nag-give up na ako sa pagkuha ng cupcake, nilayasan ko na din si Ann Dee, mukha kasing mas lalo syang na-i-stress sa panggugulo ko sa kanya. Pupuntahan ko na lang muna siguro si Blaze.
Naglalakad na ako sa may hallway nung mapansin ko si Raven na nagtatago sa may gilid. Agad ko syang nilapitan at sinilip ko din kung ano man yung sinisilip nya.
I saw Sven and Blaze in the middle of the hallway. Mukhang may pinag-uusapan sila at kung ano man yun mukhang hindi maganda. Para kasing papatay ng tao si Blaze, base na rin sa expression ng mukha nya.
"Anong meron Raven?"
"Sssh. Battle of the century to kaya wag kang maingay"
Since hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari, nanahimik na lang ako at pinanuod ko silang mag-usap.
"So how was your vacation little brother?" Tanong ni Blaze sa kapatid na si Sven.
"Okay naman Kuya Blaze, how about you?"
"The usual. Enemies wherever I go, too bad my enemies are a bunch of cowards"
I saw Sven clenched his fist. Something about what Blaze said must have offended him. Pero ang tanong, ano?
"Well that's too bad but I think you got a fair amount of action while your away, what with your little sexcapades"
Hindi ko alam kung tama ba ako ng narinig, did he say sexcapades instead of escapades? But why would he even say that? Wala namang nakakaalam sa nangyari sa amin ni Blaze, except kay Ann Dee.
Mukhang nagalit si Blaze sa sinabi ni Sven dahil nakita ko ang kamao nya, parang any moment magsusuntukan na silang dalawa.
Hinihintay ko ang susunod na mangyayari nung biglang may tumulak sa akin. Magtatago pa sana ako pero huli na ang lahat dahil napansin na ako nung dalawa. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Raven na tahimik na tumatawa at nung makita nyang nakatingin ako sa kanya nagthumbs up sya sa akin sabay karipas ng takbo. Lagot ka sakin mamaya Raven!
"What are you doing here Keira?" Tanong ni Blaze.
"Ahm, ano, ano kasi, ahh, naghahanap kasi ako ng langgam"
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Romance[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...
