Chapter 50: 143

211K 4.3K 236
                                    

Chapter 50: 143


Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ko kaya naman agad ko itong tinignan.

143 missed calls.

Sino naman kaya ang magti-tiyagang tawagan ako ng ganito kadami? Sinubukan ko syang tawagan pero unattended na sya. Malas nya kung sino man sya.

Anyway, tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kakahintay kay Blaze. Ang sabi nya kasi may pupuntahan kami at susunduin nya na lang ako dito sa kwarto pero hanggang ngayon wala padin sya. Napagpasyahan kong lumabas na muna, nasa tapat na ako ng pintuan nung mapansin ko ang isang maliit na papel na nakadikit dito.

| 143 |

"143? Anong ibig sabihin nito?"

It could mean a lot of things, pero dahil wala naman akong idea kung ano ang ibig sabihin nito ipinagsawalang bahala ko na muna ito at lumabas na ako ng kwarto. Paglabas ko agad kong napansin ang mga itim na lobo. Bawat lobo ay may numero at nakahilera sila sa hallway. Ano ang ibig sabihin ng mga ito? Habang pinagmamasdan ko yung mga lobo may napansin akong maliit na note sa pinaka-unang lobo.

| Follow the balloons |

Under normal circumstances I woudn't follow those balloons pero dahil na-cu-curious ako sinunod ko na lang ang gusto nya.

Nakarating ako sa may kitchen at mukhang dito na ang finish line dahil yung pinakahuling lobong nakita ko ay nakasabit sa may pintuan at may nakasulat dito na '143'. Hayun na naman yung numerong yun. Ano ba kasi talaga ang meron sa numerong yun? Pumasok ako sa loob at agad kong napansin yung cake sa may gitna ng lamesa at katulad ng lobo kanina may nakasulat din na 143 sa gitna nito. Konting konti na lang talaga at isusumpa ko na yang number na yan.

Now what?

Nilapitan ko yung cake at dun ko lang napansin ang note na nasa gilid nito.

| Garden |

Garden? Gusto nya bang pumunta ako sa garden?

Sinunod ko ang gusto nya at lumabas ako ng bahay. Dumiretso ako sa rose garden pero natigilan ako nung mapansin ko ang isa sa mga men in black ni Blaze. Nakahiga sya sa may damuhan at punong puno ng dugo ang katawan nya.

Hindi ko alam kung buhay pa ba sya o hindi na pero sa dami ng dugo sa katawan nya sa tingin ko ay hindi na. Habang nakatingin ako sa kanya napansin ko ang isang maliit na note na may bahid pa ng dugo.

| Follow the blood trail |

What should I do? Should I shout for help? Should I run away? Yun ang isinisigaw ng utak ko pero iba ang sinasabi ng katawan ko. Sinundan ko ang blood trail. I don't know what is wrong with me. There is a dead man in our backyard for crying out loud pero heto ako at nagagawa pang suungin ang peligro.

Nung mabasa ko ang word na blood trail kanina ang akala ko patak lang ng dugo ang makikita ko pero sa kasong ito parang isang boung duguang katawan ang hinila sa damuhan. The trail went inside the maze, napatigil tuloy ako ng wala sa oras, hindi ko kasi alam ang pasikot sikot sa loob at natatakot akong maligaw. Baliw kasi si Raven, buwan buwan nyang pinapabago yung design ng maze para daw may trill.

Habang nakatayo ako sa may entrance ng maze biglang tumunog ang cellphone ko. It was a message from an unknown number.

Come inside the maze.

Should I? Habang pinag-iisipan ko kung papasok ba ako sa loob, muli na naman akong nakatanggap ng mensahe.

Come inside or else I will kill him.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon