Chapter 38: Run

217K 4.5K 485
                                        

Chapter 38:
"Run. You can run from everything but you can't hide forever."


'It was me, I'm the reason why your father is dead'

The moment he said those words he left me without saying another word. And now days have already passed, I haven't talk nor seen Blaze because he's been avoiding me ever since.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana inalam pa ang katotohan tungkol sa pagkamatay ni Papa, hindi na rin naman nun maibabalik pa ang buhay nya.

Napadpad ako sa may rose garden, these past few days dito ako madalas tumambay at mag-isip ng kung ano ano.

Ngayong nalaman ko na, na si Blaze ang reason kung bakit namatay ang papa ko bigla kong naalala yung mga sinabi ni Terrence sa akin. Is this the thing that he warned me about? Kaya ba ayaw nya akong magtiwala sa mga Aerondales dahil sa pangyayaring yun? I'm so lost in my thoughts kaya medyo nagulat ako nang pitikin ako ng mahina ni Raven sa noo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sa akin.

"Hinahanap ko si Blaze" biro ko.

"Wala si kuya blaze dito, nasa japan sya ngayon because of some mafia related matters"

Nakaramdam ako ng lungkot sa nalaman ko. Nasa japan si Blaze ngayon? Hindi man lang sya nagpaalam sa akin.

"Binibiro lang kita, hindi nagpunta si Kuya sa Japan nandun lang sya sa may isa pang rose garden pero tago yung garden na yun. Gusto mo samahan kita dun? Haha"

"Ayoko" tipid na sagot ko.

Hindi sa ayokong makita si Blaze, ang totoo nyan gustong gusto ko na syang makita pero baka kasi pinagti-tripan na naman ako ni Raven. Araw araw ata april fools sa kalendaryo nya. Puro sya kalokohan.

"Bahala ka, ikaw din baka maunahan ka ni Zoe, uso pa naman ang agawan at landian sa panahon ngayon"

Pagkasabi nya nun ay dahan dahan syang naglakad palayo. Pipigilan ko ba sya o hindi?

Gusto kong makita si Blaze pero paano kung ipagtabuyan nya ako? Na-mi-miss ko na sya pero mukhang iniisip nya na hindi ko sya matatanggap dahil sa nalaman ko.

"Raven wait!" Sigaw ko.

Lumingon naman kaagad si Raven at may naka-plaster na kaagad na ngiti sa mukha nya pagharap nya sa akin.

I ran towards him, hindi na sya nagsalita pa but the whole way there nakangiti lang sya sa akin ng nakakaloko. Now I'm starting to think that this is a bad idea.

Dinala ako ni Raven sa may Maze. Minsan na akong nakarating dito but unlike before, ngayon mas nakikita ko na ang bawat dinaraanan namin.

"Matanong ko nga lang, ano ba ang pinag-awayan nyo? Siguro gusto na magka-baby ni Kuya pero ikaw ayaw mo pa kaya may LQ kayo ngayon" Pang-aasar ni Raven sa akin.

"Hindi no, tungkol yun sa Papa ko"

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Raven sa sinabi ko, siguro may alam din sya sa totoong nangyari. Mukhang ako lang ang walang kaalam-alam but it doesn't matter anymore. As long as i-e-explain nila sa akin ng maayos kung ano ang nangyari willing naman akong tanggapin yun.

"Hmmm, I don't get it. Ano ang pinag-aawayan nyo dun eh wala namang kinalaman si Kuya Blaze dun?" Nagtatakang tanong ni Raven.

"Anong wala? Eh ang sabi nya sa akin 'I'm the reason why your father is dead'."

"Mukhang pinagtakpan na naman nya ang isang yun. Tss"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sorry Keira but its not my place to tell"

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon