Chapter 47: Cravings

201K 4.2K 162
                                    

Chapter 47:
"Cravings"


"Nasaan na ba yung mga yun?"

Kanina pa ako paikot ikot dito sa grocery store pero hindi ko padin mahanap yung hinahanap ko. Dumayo pa naman ako dito para lang dun. Naiinis na ako at dumadagdag pa sa nararamdaman kong inis yung kabagalan ng mga bantay ko. Sa sobrang inis ko, iniwan ko na sila, bahala na silang maghanap sa akin.

"Nasaan na ba kasi yung mga yun?"

"Looking for something?"

Agad akong lumingon para tignan kung sino ang nagsalita at laking gulat ko nung makita ko si Spade sa likuran ko.

"Spade! Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ko.

"Ang totoo nyan na-mi-miss na kita kaya dinalaw na kita kaso mukhang beast mode ka na naman"

"Pasensya ka na, may hinahanap kasi ako kaso hindi ko mahanap"

"Ano bang hinahanap mo? Tutulungan na kitang maghanap"

"Strawberries"

Nung isang araw pa ako nag-ca-crave sa strawberries, ang totoo nyan pati panaginip ko ini-invade na din ata nila. Ayaw nila akong tantanan.

"Naku Keira wala silang tindang strawberry dito"

Nakaramdam ako ng panlulumo sa sinabi ni Spade. Isang beses pa lang akong nakakatikim ng strawberry at yun ay nung nag-fieldtrip kami sa baguio nung high school ako. Bumili ako ng strawberry pero nung matikman ko na hindi ko nagustuhan yung lasa. Nung time na yun sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako bibili ng ganun kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto ko syang kainin ngayon.

"Hey don't be sad, if you want you can come with me"

"Saan naman tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Well I know someone, he grows strawberries in a special kind of greenhouse just outside the city. Alam mo na, tumutubo lang sa malalamig na lugar ang strawberries so hindi ideal na magtanim dito but he did it. He mostly gives them to me kasi alam nyang mahilig ako sa strawberry and the rest he exports for business"

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa, sumama ako sa kanya.

Pagkaalis namin dun ko lang naalala yung mga kasama kong men in black, hinahanap na kaya nila ako? Babalikan ko na lang siguro sila kapag nakakuha na ako ng strawberries.

Almost 15 minutes din siguro kaming bumiyahe bago kami nakarating sa sinasabi nyang lugar. Bago ako bumaba sa kotse kinapa ko muna ang sarili ko, feeling ko kasi natanggal na yung eyeballs ko at naiwan sa kung saan yung intestines ko dahil sa sobrang bilis nyang magpatakbo. Mukhang yung 30 minute ride ginawa nyang 15 minutes lang.

Pagbaba ko agad kong napansin yung sign board, TC's Strawberry Farm. Pareho kaming nakatingin ni Spade dun sa sign board nung biglang may nagsalita sa likuran namin.

"Oh tol anong ginagawa mo dito? Kaka-deliver ko lang sayo ng mga strawberries kahapon ah, wag mo sabihing naubos mo na kaagad yung mga yun"

Sabay kaming lumingon ni Spade at tumambad sa amin ang kaibigan nyang may hawak hawak pang basket na puno ng strawberry.

"Hindi ko pa nakakalahati yung binigay mo. Actually may kasama ako, gusto nya kasi ng strawberry kaya dinala ko sya dito. Terrence this is Keira, Keira meet my step brother Terrence" pagpapakilala ni Spade sa aming dalawa. Little did he know, I already know his step brother.

Kaya naman pala TC's Strawberry Farm ang pangalan ng farm na ito because TC stands for Terrence Cain. Pero teka lang, magkapatid sina Spade at Terrence? Ang alam ko kasi parte ng mafia organization ni Blaze si Terrence. Bakit sya sumali sa grupo na kalaban ng kapatid nya?

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon