Chapter 14: Freedom

254K 5.6K 207
                                    


Chapter 14:
"When can you truly say that you are free? How would you know that you are free?"

I miss my friends, or should I say my only friend Ann Dee. Namimiss ko na ding pumasok sa school.

"Blaze." Tawag ko sa baliw kong asawa.

Nanunuod sya ng TV habang nakahilata sa kama. Hindi nya ako pinansin kaya tumayo ako sa harap nya.

"Umalis ka dyan, hindi ko makita yung pinapanuod ko" pagtataboy nya sa akin.

"Yung totoo favorite movie mo ba ang Saw? Ilang ulit mo na bang napanuod yan? Ako nga sukang suka na sa mga eksena ng patayan dyan pero ikaw tuwang tuwa pa rin!" Reklamo ko.

"Wala akong pakialam kahit ilang drum pa ng suka ang isuka mo. Umalis ka dyan at hindi ko makita ang pinapanuod ko"

Minsan brutal din kung magsalita itong asawa ko eh. Kahit na pinapaalis nya na ako, hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Aalis lang ako kapag nasabi ko na ang gusto kong sabihin.

"My dear wife, you are seriously ruining my relaxation time" reklamo ni Blaze.

Relaxation time? Kelan pa naging relaxing ang panunuod ng gore, bloody, brutal movies?

"Pakinggan mo muna kasi yung sasabihin ko. After this hindi na kita guguluhin, kahit forever ka ng manuod ng mga bloody, gore movies mo"

"Tsk. Ano ba kasi yun?"

Pinause nya muna ang pinapanuod nya bago sya humarap sa akin.

"Hanggang kelan mo ba ako isasabit sa mga lakad mo? Malapit na matapos ang summer break, kailangan ko ng mag-enroll soon"

"Okay" tipid na sagot nya.

Ayan ang hirap sa mga magugulong kausap ehh, walang matinong sagot. Okay, isasabit nya padin ako sa mga lakad nya? Okay, hindi na? Or okay, wala syang pakialam?

"Ano bang ibig mong sabihin sa 'okay' mo?"

"Precisely what I said. Ano pa ba ang ibig sabihin ng okay? Now sleep and don't make any noise while I'm watching"

Nakakainis. Hampasin ko kaya tong si Blaze.

******

Nagising ako dahil sa pagkatok ng kung sino sa may pintuan. Kahit na inaantok pa ako napilitan nadin akong bumangon para buksan ito.

When I opened the door, I saw Raven much to my surprise.

"Raven! Buhay ka!" Masayang sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Pagkatapos ng nangyari sa kanya, hindi ko na sya muling nakita, ngayon na lang ulit makalipas ang ilang linggo.

"Anong buhay ka? Bakit kailan ba ako namatay?" Natatawang tanong nya.

"Muntik ka na kayang kunin ni lord, so Raven, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sinusundo ka" agad naman na sagot nya.

"Sinusundo? Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa School"

"Sa school? Bakit?"

"Para makapag-enroll ka na"

Enroll? Tama ba ang narinig ko? Pupunta kami ngayon sa school para mag-enroll?

"Actually, this is Kuya Blaze's idea. Inutusan nya akong samahan kang mag-enroll. So let's go?"

That's even more surprising. Si Blaze inutusan si Raven na samahan akong mag-enroll?

"Tara!" Masayang sabi ko.

Pagdating namin ni Raven sa school pinagtinginan kami agad ng ibang mga tao. Well hindi naman talaga ako ang tinitignan nila pero since katabi ko si Raven damay na din ako. Hindi ko sila masisisi, gwapo naman kasi talaga si Raven.

Habang naglalakad kami ni Raven papunta sa registrar's office may bigla na lang pumalo sa ulo ko. And before that someone can do anything else to me, bigla na lang pinilipit ni Raven ang braso nya.

"Aray! Ano ba! Bitawan mo nga ako! Physical Abuse! Help!!!" Sigaw ng kaibigan kong si Ann Dee.

"Raven! Bitawan mo sya! Best friend ko yan!" Sigaw ko. Baka kasi kung ano pa ang magawa ni Raven sa kanya. Hindi nya naman alam na ganun talaga kami ni Ann Dee, minsan brutal kami sa isa't isa.

"May bestfriend kang amazona? Alam ba to ni Kuya Blaze?!"

"HOY! ANONG AMAZONA ANG PINAGSASABI MO!" Sabat ni Ann Dee, ang pinaka-ayaw nya sa lahat ay yung nasasabihan sya ng masama gaano man ito kaliit o kalaki. Para syang si Blaze, may berserk mode kapag nagagalit.

"Totoo naman eh! Amazona ka! Bigla bigla ka na lang namamalo ng ulo!"

"Pake mo ba! Keira sino ba tong hinayupak na lalaking to? Ang lakas lang maka-epal!"

"Sya si Raven" pagpapakilala ko.

"So, Raven pala ang pangalan mo. Alam mo FUNNY ka"

"At paano naman ako naging FUNNY?" Nagtatakang tanong ni Raven.

"FUNNY-ra ka ng araw!" Sigaw ni Ann Dee.

"HAHA. Nakakatawa. Joke ba yun? hindi halatang joke eh." Raven said sarcastically.

"HAHA. Hindi yun joke, totoo yun!"

This is so embarrassing, kung kanina 1/2 lang ng student population ang nakatingin sa amin, ngayon dahil sa pagbabangayan nung dalawa mukhang mas dumami pa sila. Hindi na ako nakatiis, nilayasan ko silang dalawa. Bahala na sila, mag-i-enroll na muna ako.

Natapos na ako at lahat mag-enroll pero ni anino nung dalawa di ko pa nakikita. Where could they possibly be? Baka naman nagpatayan na silang dalawa. Naglibot libot na muna ako sa boung school. Na-miss ko to, ito kasi ang nagsilbing takbuhan ko kapag hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa buhay ko, kapag nandito nagkukunwari ako na isa akong normal na estudyante, yung walang ibang iniintindi, walang responsibilidad.

Umupo na muna ako sa bench, naka-upo lang ako dito nung mapansin ko ang papalapit na pigura ng taong napaka-pamilyar na sa akin.

"Blaze! Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?" Agad na tanong ko nung tuluyan na syang makalapit sa akin.

"Business Deal" tipid na sagot nya.

Business deal? Ang tindi din naman ni Blaze, pati ba naman sa school ko may illegal transactions din sya.

Niyaya na akong umuwi ni Blaze. Hindi ko na nakita pa sina Raven at Ann Dee. Para silang bulang bigla na lang naglaho at ito namang asawa ko para namang mushroom na bigla na lang sumulpot. Pagdating namin sa mansion hinatid ako ni Blaze hanggang sa kwarto namin, paalis na sya ng maisipan kong magpasalamat sa kanya.

"Thank you"

"What are you thanking me for?" nagtatakang tanong nya

"Kasi pinayagan mo akong lumabas"

******

⚜️

Author's Note:

This chapter is dedicated to: YurikaHime

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon