Chapter 23
Gum
Third Person's POV
"A-ano? Hehe" Tanging sagot lamang ni Xenon ngunit may idea na ito kung anong tinutukoy ni Zyriah.
Ibininaba ng dalaga ang nakaturo niyang kamay dito "Ikaw yung lalake sa perfume shop noong nakaraang araw hindi ba?" Muli niyang tanong at siniyasat ang pananamit nito "Muntik na kitang makalimutan dahil ibang-iba yung ayos mo ng araw na yun kumpara ngayon!"
"Ah... ba't parang hindi kita maalala? Hehe.." Pagmamaang-amaangan nito sabay kamot pa ng ulo.
Tahimik lamang nanonood at nakikinig ang iba pa na nasa lamesang iyon sa pag-uusap nilang dalawa lalong-lalo na si Zeth na tutok na tutok bagamat hindi ito alintana ni Zyriah.
"Ikaw nga yun!" Bahagyang nagulat si Xenon sa biglaang pagsigaw ng dalaga "Naka eyeglass ka pa nun tapos tinatanong mo ko kung mabango ba yung paligid ang wierdo mo nga—" Naputol ang sasabihin ni Zyriah dahil agad siyang sinubuan ni Xenon ng pizza upang manahimik na ito dahil kinakabahan na siya sa mga titig ni Zeth.
At dahil alam naman ni Xenon na wala na siyang takas kung kaya't ipipilit ni Zyriah ang pinaniniwalaan nito kaya naman.. "O-oo nga no?" Agad siyang nag-iwas ng tingin kay Zeth na agad namang napansin ni Zyriah "Akalain mo yun? Muntik na din kita makalimutan ikaw nga pala yun what a coincidence! h-hehe..."
Pekeng napangiti si Zyriah sa inasal niya 'Coincidence? Pagmumukhain pa ata akong tanga ng isang 'to.' Sa isip-isip ng dalaga.
"Oh guys! Mamaya na muna yan. Kain na muna tayo lalamig na 'tong pizza oh." Pag-aaya ni Jin kung kaya't napapansin niyang hindi na maganda ang ihip ng hangin.
"Kelan pa dumating yan?" Takang tanong ni Zyriah habang nginunguya ang kinakain niya.
"Nako Zy bago lang.... sa gitna kasi ng pag-iisip mo dyan dinala na dito yung pizza." Ani Freya.
"Nga pala ba't ganito?" Ngiwi ni Xenon habang isa-isang tinatanggal ang piña na nasa pizza "Hindi ba pepperoni yung napag-usapan?"
Napailing na lamang napangiti si Yoshi habang nagbabasa ng libro sa tabi nang tanungin siya ni Brix
"Hindi ka ba kakain?" Habang nilalagyan ng sauce ang pizza nitong hawak.
"Nah, I don't eat hawaiian." Sagot nito at napalingon kay Zeth na kasalukuyang kumakain pagkatapos ay napatingin kay Zyriah "You like hawaiian right?"
Napatigil sa pagkain ang dalaga na pati si Xenon ay napatingin din dito't hinihintay ang kanyang kasagutan.
"Huy hindi ako ang nag-order ha... Sabi ko naman kay Zeth pepperoni yung napag-usapan siya sisihin niyo." Depensa niya sa sarili.
Hindi na nakapagsalita si Xenon nang marinig ang pangalang Zeth at dahil dito'y natawa na lamang ng mahina si Yoshi kung kaya't batid niya na kung anong nangyayari.
Bahagyang lumapit si Freya sa kaibigan at sinenyasan itong lumapit din sa kanya, nagtataka man ay bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha kay Freya na nasa tapat niya nang bumulong ito.
"Malas ni bakla ano di niya nakilala mga kaibigan ni Zeth na pagkagwapo." Natawa ng mahina si Zyriah sa sinabi nito.
"Nga pala akalain mo yun... swerte mo't pareho kayo ng paborito ni Zeth." Dagdag pang bulong nito na pinagtaka ng dalaga.
"Ano?" Tanong ni Zyriah pabalik.
"Yun oh." Nguso ni Freya kaya naman palihim na napalingon si Zyriah sa kanyang tabi kung nasaan makikita si Zeth na kasalukuyang kumakain ng pizza habang may kung anong ginagawa sa cellphone nito.
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...