Psycho 25: First Kiss?

54 5 0
                                    

Chapter 25

First Kiss?

Third Person's POV

Hindi alintana ng dalaga na dahan-dahang napapalapit ang kanyang pagmumukha sa lalakeng kanyang kaharap ng bigla na lamang siyang natauhan at di sinasadyang naitulak niya ito palayo na sa sobrang lakas ay natumba ito kasama na ang upuan na kasalukuyang kinauupuan nito.

Kasalukuyang nakahiga sa sahig ang lalake habang hawak-hawak nito ang ulo na nabunggo sa sahig at iniinda ang sakit na nadarama.

"Anong problema mo?"

"S-sorry... Nabigla lang a-ako.. T-teka k-kukuha ako ng yelo." Bulalas nito at agad na lumabas ng silid na iyon.

Paglabas niya ay nakasalubong niya ang kapatid na naglalaro ng psp habang nakapasak ang earphones sa magkabilang tenga nito.

Nakita siya ng kapatid at pawa banag may sasabihin sana ang bata nang inunahan ito ni Zyriah "Teka lang ha nagmamadali si ate." Dali niyang sambit at nagpatuloy sa paglalakad.

Pababa na sana siya ng hagdan nang makasalubong niya roon ang kanyang ina "Anong ingay yun? Ayos lang ba kayo?"

Magsasalita na sana ang dalaga nang may biglang sumabat sa kanilang usapan.

"If you're not satisfied let's make it five rounds."

Nagtataka silang napalingon kay Angelo na sumunod pala kay Zyriah.

"That's what that guy said earlier.. I think they're playing mom."

Hindi maipinta ang pagmumukha ng ina ni Zyriah sa narinig kung kaya't tila ba iba ang namuo sa isipan nito.

"M-ma... Mali kayo ng--"

Matalim na napatingin ang ina sa dalaga kung kaya't napakagat labi na lamang siya.

Muli napaharap ang kanyang ina sa kapatid "Thanks for telling Gelo... You can go play in your room now. Next time don't go eavesdropping okay? It's unethical hmm?"

"Nope.. It's not my thing... The door was open and I happen to pass by."

"Okay I see." Pilit na ngiti ng ina habang pinipigilan nitong huwag muna sumabog sa harap ng nakababata niyang anak.

Hinintay muna nilang magtungo si Angelo sa kwarto niti at pagkasara ng pinto ay matalim na bumaling ng tingin ang ina kay Zyriah.

"EVANGELINE!"

"Mali kayo ng iniisip okay?"

"Explain yourself young lady."

Nang nagtitimping sabihin ito ng ina ay ipinaliwanag ng dalaga sa kanya ang nangyari kanina na kung saan naglalaro nga sila ng 'jack en poy' kaya yun yung narinig ng kapatid niya at yung tungkol naman sa ingay ay sinabi niyang natabig niya ang upuan sa sobrang gulat kung kaya't napaso siya sa glue gun at bababa siya upang kumuha ng yelo at paunang lunas dito.

"Eto o kita niyo, kita niyo?" Sambit pa ng dalaga habang ipinapakita ang namumulang parte ng kamay nitong napaso nga kanina.

"Okay... sorry for the misinterpretation. Sana sinabi mo agad jusko naman kala ko naman kung ano ng five rounds yon."

"Ma..."

"Osya sige bumaba ka na doon mag-ingat sa susunod para di na maulit."

Pilit itong napangiti "Yes ma."

Nangmakakuha ng yelo at nailagay na ito sa ice bag ay muli umakyat ang dalaga at pumasok ng silid kung saan bumungad sa kanya si Zeth na patuloy pa din gumagawa ng kanilang proyekto.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon