Freya's POV
Leche ang sakit ng likod ko.
Itinaas ko ang aking kamay upang magstretching kasi naman ilang oras na din namin ginagawa itong bahay na project para sa arts.
Parang tanga lang talaga 'to si maam Dipungal eh! Hindi naman kami architect o engineer students pero nandito kami ngayon gumagawa ng ganito. Nangyan.
Bahagya kong inikot-ikot ang ulo ko at dahil doon rinig na rinig ko ang pagtunog ng buto ko sa bandang parte ng batok ko.
Ilang saglit nahagip ng mata ko ang wallclock na nakasabit sa may dingding "5:30 na pala."
"Kainis naman 'tong si Alfie.." Napalingon ako kay Paulo nang magsalita siya at kasalukuyan lang namang may kung anong tinitipa sa cellphone.
"Anong meron?" Napaangat ang tingin niya sa'kin nang di ko mapigilang magtanong.
"Kasi naman nagpapasabay ako magpabili ng mga barbecue sticks para sana sa bakuran dito sa may likurang parte ng bahay.." Napatingin ito sa project namin at bumalik sa'kin "..Nung isang araw ko pa sinabihan yun hanggang ngayon absent pa din."
"Oo nga no?" Nakunot ang noo ko "Hindi ba nung biyernes pa yun absent? Alam mo ba anong nangyari dun?"
Inangat niya ang magkabila niyang balikat "Ewan.. tinetext ko nga di naman nagrereply." Muli niyang ibinalik ang atensyon sa cellphone niya at nagsimula muling magtype "Iba na nga lang uutusan ko."
Napatingin ako sa paligid at nakitang iilan na lang pala kaming nandito sa classroom. Mga apat na lang atang by pair na gaya namin ni Pau ay gumagawa din ng arts project nila.
Iniganala ko ang paningin at naroon pa din si Zy na mag-isang gumagawa hindi ko tuloy mapigilang isipin yung mga sinabi ko sa kanya kanina.
'Kung wala kang gagawin baka maunahan ka ng iba.'
EH SA TOTOO NAMAN!
Hindi ko nga alam kung may nararamdaman ba siya ni katiting dahil lagi lang naman si Zeth ang nakikita namin ni GL na nagsisikap para makapaghalubilo rito kay Zy.
Kanina ko nga lang nakumpirma na wala talagang sila at kung wala siyang nararamdaman edi mabuti pero kung meron man at pinipigilan niya lang kasi nga daw gaya ng sabi niya "hindi pwede" sa hindi malamang dahilan.. Sigurado akong talagang masasaktan yung gagang yon.
Doon pa lang nung nakita namin may kasama siyang babaeng abo--kulay abo kasi yung buhok. Kahit nag-uusap lang sila parang may iba talagang namumuo eh. May chemistry!
Hindi ko nga alam kung pinapaasa niya si Zy sa mga pinapakita niya these past few days at nung video nilang nagviral nung nakaraan. Kasi napakapaasa talaga ng datingan kung ang end up may iba pala siyang gusto at yun yung babaeng abo.
Pustahan baka nga yung babaeng yun yung kikitain niya ngayon kaya naiwang mag-isa 'tong kaibigan ko.
"HOY!" Napakurap ako nang marinig ang napakalakas na boses ni Zy napabaling ang tingin ko sa lalakeng kanyang tinitingnan na siyang nakatalikod mula sa kanya. "Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo ha? Inapakan mo yung mga designs ko!"
Teka parang nakita ko na 'tong lalakeng 'to ah.
"Poseidon?!"
"Janitress!"
Sabay pa talaga silang napasigaw nang mapalingon yung lalakeng iyon kay Zy.
Ah.. naalala ko na. Ito yung lalakeng nagligtas kay Zy nung kamuntikan nang mahulugan siya ng paso ng nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...