Psycho 19: Poseidon Guy

59 6 0
                                    

Chapter 19

Poseidon Guy.

Zyriah's POV

Inilahad ng lalakeng ito ang kamay niya kaya naman tinanggap ko na lamang iyon at dahan-dahang napatayo.

"Shet Zy muntik na yon kinabahan ako dun ah!" Natatarantang pasigaw na sambit ni Freya sa gulat ko'y agad kong nabitawan ang kamay ng lalake.

"Patingin nga may masakit ba sayo ha?" Muli na namang sambit ni Freya habang inuusisa kung may galos ba ang mga braso ko. "Punyeta sino ba kasing may gawa non!" Napa-angat ang tingin ni Freya sa itaas kaya naman ganoon rin ang ginawa ko.

Wala kaming ibang taong nakita sa 2nd floor ng school building na iyon kung kaya't nakapagtataka.

"Alam mo Zy ireport natin 'to----."

Naputol ang sasabihin ni Freya ng inunahan siya ng lalakeng magsalita "Ako ng bahala, member ako ng student council. Ang mas mabuti mo sigurong gawin ay ihatid yung kaibigan mo sa school clinic, mukhang in-shock pa ata siya." Hindi ko alam kung papaano niya iyon napansin kung kaya't alam ko sa sarili kong magaling akong magtago ng emosyon.

Napahinga ako ng malalim upang mas pakalmahin ang aking sarili at muling nagsalita "Di na kailangan, ayos lang ako." Kasabay nito'y napatingin ako sa paligid at nakitang mga iilang mga stidyanteng nagbubulungan at nakatingin sa gawi namin.

Hinawakan ako ni Freya sa braso at muling nagsalita "Pakireport na lang ah at balitaan mo kami. Salamat ng marami mister..."

"Chua... Syd Chua." Pagpapatuloy ng lalakeng ito.

Nagsimula na kaming maglakad ni Freya tungong Canteen ng di ko na matiis kung kaya't ako'y huminto at napalingon sa lalake.

"Ba't ka nagpanggap na janitor kahapon?"

Napalingon naman ang lalakeng ito dahil sa tanong ko. Pinagmasdan ko ang suot nitong uniporme at gaya nung kahapon ay nakangiti ito na halos di na makita ang mga mata niya sa sobrang singkit.

"Trip ko lang. Boring eh." Binigyan ko siya ng nakakunot noong tingin ngunit nananatili pa din itong nakangiti sakin.

"Kilala mo ba yang lalake Zy? Gaga neto sana nagpasalamat ka man lang muna dahil sa pagsagip sayo." Bulong ni Freya sa aking tabi at siniko ako.

"Anyways salamat." Sambit ko na lamang at agad na tumalikod mula sa wierdong lalakeng iyon.

Ilang saglit pa'y nakarating na din kami sa Canteen at natanaw namin si GL na sinesensyasan kaming maupo na kung nasaan siya na siyang ginawa rin namin.

Akala ko'y uupo na si Freya ngunit nagtungo ito sa counter. Pagbalik niya'y ibinigay niya sakin ang isang boteng tubig kaya naman nagpasalamat ako dito.

"Punyeta Girlie, you wouldn't believe this---."

"Gaga alam ko, kanina pa pinag-uusapan yan dito sa canteen. Shuta pumunta akong school clinic wala kayo don kaya bumalik na lang ako dito sa Canteen baka wala na tayong ma upuan eh." Tuloy-tuloy na sambit ni GL at napalingon sakin "Hoy Evangeline ayos ka lang ba talaga? Ba't di kayo pumunta sa clinic?"

"Ayos lang nga ako, medyo masakit nga lang yung likod ko sa pagkakabagsak pero wala naman akong galos." Sambit ko at pinipigilang huwag matawa sa mga reaksyon ng pagmumukha nila. Yung mukha kasi nila na ipinapakita ngayon ay yung mukhang seryosong nag-aalala talaga, eh di ako sanay.

"Peste sino ba kasing may kakayahan na gawin yun." Ramdam sa tinig ni GL ang pangigigil.

"Nagtaka ka pa maraming naiinis dito sa kaibigan nating 'to dahil doon sa video nila ni Zeth."

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon