Chapter 12
Hijack.
Zyriah's POV
Napamulat ako sa aking mata at agad napa-upo sa aking kamang hinihigaan, ramdam ko ang mabibigat kong paghinga.
Pste panaginip lang pala.
'Oh teka Zy bakit pste? Parang dissapointed ka pa ah'
Lintek na utak yan. Don't get me wrong di ako dissapointed buti nga panaginip lang, nababaliw na ata ako sa lahat na pwedeng mapanaginipan yun pa. Pste talaga hanggang panaginip nakikita ko pa pagmumukha ng psycho na yun.
Napahawak ako sa aking ulo ng mabatid ang pananakit nito. Yan inom pa Zyriah hangover ka tuloy.
Bumaba na ko sa kusina upang mananghalian at makapasok na sa paaralan. Bahala na half day atleast pumasok diba hehe. Binati ko si ate Sally, isa sa aming mga kasambahay. Kasalukuyan niyang pinaghahanda ang aking pagkain.
"Happy birthday nga pala Zyriah." Nakangiting sabi niya habang nilalagyan ng juice ang aking baso.
"Thank you ate." Nakangiti ko ding sambit at muling nagsalita upang itanong kung nasaan na ang mga mahal kong pamilya sa bahay na 'to.
"Daddy mo as usual nasa trabaho, si Angelo malamang nasa school, then mommy mo..." bahagya siyang lumapit sakin at muling nagsalita "... maaga umalis para iprepare yung surprise party mo mamayang gabi huwag kang maingay ah di kasi talaga ako nakakatago ng sekreto eh."
Natawa at tumango na lang ako sa sinabi niya.
*********
Nasa tapat ako ng Hennesy Dining at nagbabakasakaling baka naiwan ko dito ang cellphone ko sa sobrang kalasingan. Pagkatapos ko kasing kumain kanina sa bahay don ko lang namalayan na wala nga sakin ang mahal kong cellphone hinanap ko na sa kwarto pero wala talaga kaya naman magtatanong ako dito.
"Uhm excuse me po may naiwan po bang cellphone dito kagabi?" Bungad ko sa lalaking nag naglilinis gamit ang mop na hawak niya.
Binigyan nya ko ng mapanuring tingin ng may napagtanto siya at muling nagsalita "ah oo naalala ko na... customer ka dito kagabi sinukahan mo pa nga yung ulo ng boyfriend mo."
Punyeta anudaw?!
Nagulat ako sa biglaang paghalakhak niya na siyang kinakunot ng noo ko. Ba't ba ko pinaliligiran ng mga siraulo?
"Haayy... pasensya ka na miss di ka naman sumuka binibiro lang kita nakakatawa expression ng pagmumukha mo eh." Maluha-luhang sabi pa ng gago.
"About dun sa cellphone mo, muntik mo na makalimutan buti naihabol ng isa sa mga waitress namin sa boyfriend mo."
"Yun bang boyfriend na sinasabi mo e matangkad, maputi, may mapupungay na mga mata, tas mukhang may lahi?" Tanong ko na lang rito. May ideya na ko sino eh, sino ba namang siraulong magtatago ng cellphone diba? Gusto ko lang talagang makasiguro.
"Yup yun mismo."
Nung trip ng raulo na yun at di na lang nilagay sa bag o di kaya sa bulsa ko yung cellphone?
*********
"ZYRIAAAAH!!!"
Nagising ako sa ulirat at napatigil sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw ng isang baklang kasalukuyang tumatakbo palapit sakin.
"Ano ba GL ang ingay mo pinagtitinginan tuloy tayo, pwede namang di sumigaw e ano bang pinagmamadali mo dyan?" Tanong ko agad rito ng nasa harapan ko na sya.
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...