Psycho 4: Task

162 24 49
                                    

Chapter 4

Task.


Zyriah's POV

"LILINGON KA O IBUBUHOS KO TONG TASA NG MAINIT NA TSOKOLATE SA PAGMUMUKHA MO?"

Nagising lang ako sa ulirat at napalingon sa harap ko. Nakikita ko ang nakakibit kamay na si Freya.

"Lilingon ka naman pala eh kanina pa ko nagtatanong dito ni hindi mo ko pinapansin at nakatulala ka lang dyan, ano yung kanina? Ba't mo kasama si Zeth?" Sabay subo niya ng fries, nandito kami sa Canteen ngayon dahil recess time na.

Nang dahil sa tanong niya bumalik na naman sa ala-ala ko ang ginawa ng sira ulong lalakeng iyon dahilan para mapasabunot na lang ako ng marahas sa aking buhok.

"Luh gaga neto. Ano to baliw-baliwan para maka-iwas? Di yan uubra sakin Zyriah Perez. Ano bang relasyon niyo ni Zeth ah at may payakap pa kayong nalalaman doon sa entrance ng school?" Pang-iintriga niya dahilan para mapadilat ako ng mata.

"A-ano.. Magkaibigan.. Tama magkaibigan kami h-hehe at yung pagkayap niya kanina? Parang reunion lang namin yun sa tagal ba naming hindi nagkita diba hehe huwag mo nang pansinin yun w-wala lang yun." Sabi ko sabay kuha ng fries niya.

Isusubo ko na sana ang fries ng may kumuha nito sa kamay ko dahilan para mapalingon kaming dalawa ni Freya sa kanya.

Napatulala na lang ako sa lalakeng matipuno ang katawan, matangkad, singkit, mestiso, lahat-lahat na! Sa di malamang dahilan napatingin ako sa leeg niya at kasabay ng paglunok niya sa kinakain niya ay napalunok rin ako.

Shet lang ba't ako inaakit ng adam's apple niya? Enebe.

Hindi lang ako ang napatulala dahil napapansin ko rin ang iba pang mga kababaihan dito sa Canteen ay nakatitig rin sa lalakeng nakatayo sa tabi ko at kasalukuyang nginunguya ang fries na kakainin ko sana. Sino namang hindi mapapatitig saaming campus varsity player?

"Deputa naman, ba't ba sa lahat ng kukunin niyo eh fries ko pa?" Napakurap ako ng isang beses at nagbalik sa katinuan ko.

Muntik ko ng makalimutan, lahat kaming mga kababaihan ay napapatitig sa lalakeng ito pwera lang kay..

"Freya ano ba yang bunganga mo? Napaka-polluted." Pabirong wika ng lalake.

"Kesa naman sayo napaka baho." Pairap na sabi ni Freya.

Agad lumapit ang lalake kay Freya at piningot ang tenga nito kaya napainda na lang sa sakit ang bestfriend ko habang ako ay tawa ng tawa.

"Ay anong ganap mga pechaaaay? Oh hi fafa D ahihihi." Pagpapacute ni GL, ang kaibigan naming bakla, as always nananatili pa rin ang kulay rosas na bulalak na nakaimpit sa kanyang kaliwang tenga.

Umupo na rin siya sa tabi ko habang nasa harap namin si Freya na iniinda pa rin ang pagpipingot sa kanya.

"Hi Ga---."

"Stop right there mr. Ferrer, Girlie na lang keshe." arteng sabi nito.

"Hi Girlie." Pag-uulit niya.

"Bro!" Tawag sa kanya ng grupo ng mga kalalakihan dahilan para itinigil na niya ang pagpingot sa tenga ng bestfriend ko.

"Oh sige puntahan ko muna mga ka-teammates ko."

Bago pa man siya maka-alis napalingon siya sa gawi ko at nagsalita "Bye Angge..." kaya ginantihan ko lang siya ng pagngiti tsaka kumaway at tuluyan na nga siyang umalis sa harap namin.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon