Psycho 6: Gunshots

126 13 36
                                    

Chapter 6

Gunshots.


Siraulo talaga.

Kasalukuyan lang naman niya kong hinihila papuntang exit ng Felis mall habang nakahawak pa din siya sa pulso ko upang di ako makatakas mula sa kanya.

Nakahugot naman ako ng pag-asa ng namataan ko ang dalawang guards mula sa entrance ng mall na ito.

"Kuya! Tulungan niyo po ako! Di niya po ako binibitawan!" Lakas kong sigaw dahilan para mapalingon sila at ang iba pang mga tao sa paligid namin.

Napahinto naman sa paghihila ang siraulo na si Zeth pero di niya pa din ako binibitawan at matalim akong tiningnan na pawa bang demonyo dahilan para magsitaasan ang mga balahibo ko.

Matapos niya kong tiningnan bumaling agad siya sa mga tao at sa dalawang guard na naglalakad na papalapit samin ng bigla siyang magsalita.

"Pasensya na po masyado po kasing selosa ang babaeng ito, masyado ding matampuhin kaya naman..."

Ano na naman bang drama neto?

Nagulat naman ako ng bigla siyang napalingon sakin at napatitig sa mga mata ko na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"...kailangan ko pang suyuin itong langga ko."

Dafuq?! Anudaw? Langga?!

"KUYA HUWAG KAYONG MANIWALA! MAMAMATAY TAO PO ANG LALAKENG ITO! KAILANGAN NIYO NA PO SIYANG HULIHIN!" Halos maputol na ang ugat ko sa leeg at mabali na ang aking braso sa pagwawakli ko sa kamay niyang nakakapit pero di pa rin natatanggal.

"Ineng patawarin mo na yung boypren mo."

"Buti na lang di ako naging babae, ang oa e."

"Ses mga lalake talaga."

"Pogi na nga ni kuya may gana ka pang magtampo sa mukha mong iyan."

Iilan lang yan sa naririnig ko sa paligid at ngayon ko lang napagtanto na ang rami na pa lang nanonood samin.

"Kuya please po huwag kayong maniwala." Pagsusumamo ko sa dalawang guards na nasa harap na namin.

Agad namang lumapit ang isa sa kanila kay Zeth at seryoso itong tiningnan tsaka pabagsak na ipinatong ang kanang kamay nito sa braso ni Zeth.

Kulong kang hayup ka. Mwehehehe.

"Ganyan din ang misis ko brad iba kung magselos kaya naman, suyuin mo lang ng suyuin hanggang sa malunod ng pagmamahal mo."

ANO?!

Nakangiti namang inalis ni manong guard ang kamay niyang nakapatong sa balikat ni Zeth habang si Zeth naman ay napatango sa sinabi niya. Nanlaki na lang ang mata ko ng napaharap siya sakin.

"Paano ba yan langga? Mukhang papatayin ata kita ng pagmamahal ko."

Naramdaman ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko hindi dahil sa malambing na pagkakasabi niya kundi dahil sa malademonyo niyang ngiti na pawa bang ipinapahiwatig na ang papatayin niya ko ng pagmamahal ay literal.

Nagulat na lang ako ng bigla niya kong kinarga sa balikat niya na para bang isa lamang akong sako ng bigas.

"A-ano ba?! Bitawan mo ko! Hindi niyo po naiintindihan! Tulungan niyo ko! kuyaaa! ateee! Ba't ayaw niyong makinig sakin?! Pagnamatay ako mumultuhin ko kayong lahat! Leche kayooo!" Nanggagalaiti kong sigaw at tuluyan na nga kaming nakalabas ng mall na iyon.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon