Chapter 18
Where's the psycho?
Zyriah's POV
"Excuse me."
Tila ba hindi niya narinig ang pagtawag ko kung kaya't mas nilakasan ko pa ang aking tinig "Excuse me mister!"
Napakamot ulo na lang ako ng makitang ganoon pa rin ang kanyang itsura at nananatili pa rin itong nakapikit sa kanyang kinauupuan kaya naman napagdesisyunan kong lapitan ito.
Nang makalapit sa kanyang tabi ay kinatok ko ng ilang beses ang pinto ng cubicle kung saan kasalukuyan siyang nakasandal at sa pagkakataong ito'y nagtagumpay na ko ng makitang namulat ang kanyang mga mata. Unti-unting siyang napatingala sakin at sinenyasan ko naman siyang tanggalin ang kanyang earphones na siyang sinunod naman din niya.
"Banyo 'to ng mga babae at hindi mo kwarto." Nakunot ang noo niya sa aking sinabi kaya naman napabuntong hininga na lamang ako at muling nagsalita "Umalis ka na lang at maglilinis pa ko."
Umiling lamang ito at ganon na lang ang pagtataka ko sa kanyang sinagot.
"May misyon pa kong kelangang gawin."
Anong pinagsasabi ng isang 'to?
"Anong misyon?" Tanong ko na lamang rito.
Imbes ako'y sagutin, iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at napatingin sa hawak kong mop. Magsasalita na sana ako ng bigla itong mapatayo at ngumiti "Ang maglinis."
Nakakunot noo ko siyang pinagmasdan ng maglakad siya patungong sink at kinuha ang isang trapong nakalapag sa may gilid at sinimulan itong basain.
"Janitor ka ba dito?" Di ko mapigilang mapatanong.
"Sabihin na lang nating ganun na nga." Sagot nito habang pinupunasan ang salamin gamit ang trapong hawak niya. Anu daw?
"Anong ibig mong sabihin?"
Natawa ito at muling nagsalita habang hindi parin ako tinitingnan at patuloy pa rin sa kanyang ginagawa "Ang sabi ko oo janitor nga ko."
"Trabaho din ba ng isang janitor ang matulog?" Bakas sa tinig ko ang pagiging sarkastik.
Muli na naman itong natawa "Eto naman... namahinga lang saglit eh."
Ulol. Hindi pa nga siya nagsisimulang maglinis kanina.
Napatingin siya sakin at nagsalita "Oh ikaw... Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang klase?"
Umiling na lamang ako sa kanyang tanong. Alangan namang ipangalandakan ko pa sa kanya na parusa ko 'to diba? Kaya naman nanahimik na lamang ako pagkatapos ng pag-uusap na iyon at nagsimula na ring mag-mop ng sahig. Iisipin ko na lang na mabuti na rin 'to at nandito siya upang makatulong sa paglilinis para maaga akong matapos dito at makapunta na kay Freya.
Ilang minuto din ang nakalipas ng mapatingin ako sa kanya ng bigla na lamang niyang hinubad ang kanyang jacket kaya naman kitang-kita ang malalapad nitong braso na animo'y nakapag-gym dahil naka itim lamang itong sando ngayon.
"Sensya... Ito kasi yung paborito kong jacket." Nakangiti nitong sambit sakin.
Palihim akong napa-irap sa kawalan at nagpatuloy sa aking ginagawa. Alam niya namang janitor ang papasukan niyang trabaho, pormado na pormado pa si gago.
Palihim ko siyang pinagmasdan habang siya nama'y kasalukuyang pinupunasan ang mga dingding. Bakit ba kasi nag-hire pa sila ng isang binatang katulad niya sa eskwelahan na 'to? Hindi lang basta binata, binatang tamad pa ata.
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...