Chapter 13
Deal.
Zyriah's POV
"Zeth tama na.. Pakawalan mo na lang siya." Sabi ko sa kanya habang si Victor naman ay nasa likod ko na para bang batang nagtatago roon.
Nakatutok pa din sakin ang kanyang baril pero ngayo'y naglaho na ang kanyang mga ngiti at walang emosyon na lang niya akong tinitingnan.
"Tumabi ka Perez."
Hindi ako nakinig sa kanya at binalingan ng tingin si Victor na kasalukuyang pa ring nasa likod ko.
"Umalis ka na akong bahala sa kanya." Mahina kong sabi sapat na marinig niya.
Nagsimula siyang tumakbo sa kanan na direksyon ng barilin ni Zeth ang lupang kinatatayuan niya kaya napabalik naman siya sa likod ko. Tatakbo naman sana siya sa kaliwa ng hindi din siya nakaligtas sa dalawang balang pinakawalan din ni Zeth sa mismong lupa na tatakbuhan niya kaya napabalik pa din siya sa likod ko.
"Enough, ang sabi ko tumabi ka." Napakagat labi ako sa sobrang irita.
Ni hindi man lang niya nagawang tingnan si Victor at alam na alam niyang saan siya babaril at aasinta.
"Hindi Zeth! Itigil mo na sabi 'to! Ano ba talagang gusto mo ha?! Bakit pati si Victor dinadamay mo?!"
Punyeta. Ito talaga yung kinaiinisan ko sa kanya eh. Nasabi ko nang lahat-lahat ng pagkagalit isama mo na din ang takot----pero heto sya at walang kaemo-emosyon pa din si siraulo.
Imbes na magsalita ay napatingin siya sa binti kong dumurugo pa din hanggang ngayon.
"Pinoprotektahan mo nga ang lalakeng yan, pero sinong poprotekta sayo?"
Pinagmasdan ko lang siyang ibinaba ang baril na hawak niya at inipit ito sa kanyang likuran pagkatapos ay mas lumapit sakin.
May kung ano siyang kinuha sa kanyang bulsa at ng maiangat niya ito nakita kong isa itong mahabang panyo. Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan.
Napayuko ako upang tingnan kung ano bang binabalak niya at mas lalo pa kong nagtaka ng makitang sinisimulan niyang balutin ang malaking hiwa sa aking binti.
"Sa pagnanais mong maprotektahan ang lalakeng yan.." Inangat niya ng bahagya ang kanyang mukha upang ako'y tingnan at muling bumalik sa kanyang ginagawa "Kita mo na, nasaktan ka tuloy."
Walang halong pag-alala ang boses niya at sadyang ganoon pa din ang tono ng pananalita niya. Ngayo'y tinatalian niya na ng mahigpit ang panyo na nakabalot sa aking binti.
Hindi ako makapagsalita ni hindi ko nga maigalaw ang buong katawan ko palayo sa kanya. Sadyang pinagmasdan ko lang siya sa kanyang ginagawa hanggang siya ay matapos at ngayo'y tumayo na sa harapan ko.
Blanko pa din ang ekspresyon ng pagmumukha niya at direktang nakatingin sakin ng bigla siyang magsalita.
"Tutal nandito ka rin lang naman.." Mas lalo pang dumami ang tanong sa aking isipan ng inilahad niya sakin ang pistol na hawak niya.
"Do as I say.." Muli itong napangiti "Ikaw ang papatay sa kanya o akong gagawa?"
Napaka bipolar mo talagang hayup ka.
"Hindi ba't ito din naman ang ikaliligaya mo?" Sambit nito habang ako nama'y naguguluhan. "Ang mamatay siya."
"A-anong pinagsasabi mo? Hindi ako tulad mong---."
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...