Prologue

429 28 37
                                    

"Zeth Carter. 19 yrs old, only child... Psychopath."

Tandang-tanda ko pa kung paano niya ipinakilala ang kanyang sarili sa harap ng buong klase.

At sino nga bang mag-aakalang... hindi pala siya nagbibiro ng araw na yun.

Hindi ko siya kaibigan.

Lalo't hindi rin kasintahan.

Hindi ko rin manliligaw.

Hindi ko masasabing stalker dahil mas masahol pa siya dun...

Siya lang naman ang lalakeng di mo malaman kung anong trip sa buhay at bigla na lang susulpot sa mapayapang mundo ko na parang kabute.

Kung di lang nga magulo ang takbo ng utak niya ay maiisip ko na kaya ako sinusundan ng isang ito ay dahil gusto niya ko pero.... HINDI PALA! Paasa ampta.

Yun bang yayakapin ako pero maya't-maya'y nahulog na ko sa hagdan at siyang nasa itaas ay nakangisi lang sa kalagayan ko? Yun bang sasabihan niya ko na miss niya na daw ako pero maya't-maya may nakatutok nang malamig na kutsilyo sa tagiliran ko?

KAYA OO. PILIT KONG IWINAWALA SA UTAK KO NA BAKA GUSTO AKO NG ISANG ITO NA SADYA NAMANG NAPAKA-IMPOSIBLE DAHIL MAGAGAWA MO BANG SAKTAN ANG TAONG MAHAL MO?

At kung titingnan mo sa anggulo niya, ang definition niya ng papatayin niya ko sa pagmamahal ay literal.

Pero isang araw natagpuan ko na lang ang sarili kong nangungulila sa tuwing hindi ko na siya nakikitang sumusunod sakin. Isang araw namulat na lang ako na ang lahat ng banta niya ay pawa bang musika na lang sa aking pandinig... Ano bang pakiramdam 'to?

Pati rin ba ko may sayad na?

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon