Psycho 5: Mall

146 21 45
                                    

Chapter 5

Mall.


Zyriah's POV

"Saan tayo bukas?"

Hanudaw?

"H-ha?" Sa puntong ito kunot noo ko siyang tiningnan.

"Tayong dalawa diba?"

"A-ang alin?"

Ngayon ko lang napagtanto na mas inilalapit pa nila GL, Freya at Dylan ang kanilang mga mukha upang marinig ang pag-uusap namin ni Zeth.

"Partner kita sa arts class, so what's the plan?"

"Ah o-oo.. Tama hehe.. Bibili ako ng materials bukas."

"Saan? Samahan na kita---."

"Nako wag na!" Pampuputol ko sa sasabihin niya dahilan para mabigla sila Freya sa naging reaksyon ko.

"Uhm.. What I mean is ayos lang na ako lang mag-isa, madali lang naman eh tsaka don't worry may plano na ko."

Kahit sa totoo lang hindi ko pa talaga alam kung anong materials ang bibilhin ko para sa bahay na gagawin namin leche e paano na lang tong kasama kong to? Sigurado akong wala rin tong kaalam-alam pagdating sa ganito.

"I insist and besides tayo ang magkapares at ayokong maging pabigat."

Ows pabigat daw. Best actor amp.

"Sige, sa Elle Mall."

"Its settled then, Elle Mall at 11:30 am." Nagulat na lang ako sa biglaang pagngiti niya, yung ngiting pawa bang anghel.

Nangmatapos siya sa kanyang sinabi lumingon siya sa aking mga kasamahan tsaka tumingin kay GL at nagsalita.

"Sige I'll go ahead, enjoy your food miss."

Nga nga.

Literal akong napatunganga sa kanya habang naglalakad siyang palayo hindi dahil sa kagwapuhan niya kundi dahil sa inaasta niya.

"Narinig niyo yon? Tinawag akong miss? Pakasal na tayo hehehe ene be." Pabulong na sabi ni bakla sa huli.

"In fairness ah siya yung may bad boy vibes e pero akalain mo, Siya pa tong nahiya satin." Sabi ni Freya.

Ses walangya nga yan eh.

"Sinabi mo pa, ang cute nga ni bebe boy eh, ngiting aso pa siya hihihi." Haliparot na sabi naman ni GL.

Ngiting aso? Pwe pumatay nga yan ng pusa.

"Sino yun?" Tanong ni Dylan.

"Kaklase namin at kababata daw ni Zy diba Zy?" Si Freya.

"A-ah oo..." Sabi ko na lang.

****

Kinabukasan.

Time check.

10:56 am.

Kasalukuyan akong umaamoy ng mga nakahilerang perfume tester sa loob ng body mist store dito sa Felis Mall.

Yup tama kayo ng pagkakabasa, nagsinungaling ako sa sira ulong yon dahil alam kong ipipilit niya talaga ang gusto niya so no choice ako kundi ibigay sa kanya ang pangalan ng ibang mall.

Sino namang tanga ang hahayaan siyang sundan ng may sira sa utak aber? Kaya naman, bahala siya maghanap doon dahil wala talaga siyang mahahanap. Insert evil laugh. ehe.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon