Psycho 10: T or D?

119 13 19
                                    

Chapter 10

Truth or Dare?


Zyriah's POV

"Truth!" Masiglang sagot ni freya at uminom sa shot glass na hawak niya dahil sa kanya tumapat ang ulo ng boteng pina-ikot ko kanina.

Hmm.. Ano bang magandang question?

"Ay eto.. Yung nagugustuhan mo ba ngayon eh.. schoolmate natin?" Tanong ko.

Palihim siyang napatingin kay Zeth tsaka tumingin ulit sakin at muling nagsalita "Yup."

Nako, sana mali ang kutob ko. Pagnagkataon kung magkakagusto nga 'tong bestfriend ko sa isang mamamatay tao, gagawin ko talaga ang lahat para hindi siya mapunta sa psycho na 'to.

Kinuha na ni Freya ang bote at siya na naman ang nagpa-ikot nito ng biglang dumating si Dylan at sakto namang sa kanya nakatutok ang bote.

"Dylan, truth or dare?" Bungisngis na sabi ni Freya.

"Itigil niyo na yan at uuwi na tayo, ihahatid na din natin si Angge sa kanila."

"Epal mo naman eh, hindi kami uuwi hangga't di pa namin nauubos itong isang case diba Zy?" Baling sakin ni Freya kaya napatango na lang ako.

"So kung gusto mo na mapadali ito sumali ka na lang samin, ano na? Truth or dare?" Nakangising tanong naman ni Freya.

"Wala." Napabusangot naman si Freya sa sinabi niya. Naupo naman siya sa harap ko which is sa katabi ding upuan ni Zeth at muling nagsalita "Kailangang may isa sa'tin ang nakakapag-isip pa ng maayos kaya uupo lang ako dito sa tabi at hihintayin kayong matapos."

"Sige bahala ka kj mo, nga pala Zeth meet Dylan, Dylan meet Zeth." Natatawang pagpapakilala ni Freya sa kanila kaya naman nagtanguan lang ang mga ito. Grabe ang friendly ah.

Muli na ngang pina-ikot ni Freya ang boteng nasa lamesa at tumapat ito kay Zeth.

"Truth or dare?"

"Dare."

"Uhmm... Reach the tip of your nose o kahit hindi na lang tip basta naabot mo yung nose mo using your tongue."

Bilib din ako sa kaibigan kong 'to. Tingnan lang natin kung kakasa ang ungas na si Zeth sa dare niya. Hindi naman ata niya kayang gawin yan eh.

"Papano pag di niya nagawa?" Tanong ni Dylan.

"Edi ikikiss niya ko hehehe." Napa-iling na lang ako sa kalandiang taglay niya.

"Freya.." Sita sa kanya ni Dylan.

"Sa cheeks lang naman, epal ka talaga."

"Okay." Napalingon naman kaming tatlo ng magsalita si Zeth.

Ininom niya ang alak mula sa shot glass na hawak at sinimulan niya nang buksan ang kanyang bibig at ilabas ang kanyang dila.

Hindi ko inaakalang maliban sa seryoso at demonyo niyang pagmumukha ay makikita ko ngayon mismo ang isang Zeth Carter na inaabot ang kanyang ilong gamit lamang ang kanyang dila.

WAHAHAHAHAHAHAHA leche laptrip ampta.

Hindi lang ako ang hinihingal sa kakatawa pati na rin sina Freya at Dylan. Idagdag mo pa ang seryoso na seryosong pagmumukha ni Zeth habang ginagawa ito, mukhang kakasa nga siya sa palarong pambansa o di kaya sa olympics eh.

Maya-maya pa natigilan kami. Kita mo nga naman, hindi kami makapaniwala ng makitang nagawa nga niya talaga. Kahit papano may talento din pala ang isang ito. Nakakamangha.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon