Psycho 1: Caught in the Act

291 28 39
                                    

Chapter 1

Caught in the Act.


Zyriah's POV

"HINDI MO KASI KINILALA NG MAAYOS, EH FUCKBOI PALA. GAGA KA DIN KASI, KASALANAN MO RIN YAN." Pangangaral ko kay Audrey, pinsan kong martyr, bow.

"Zy... H-hindi ko na alam ang gagawin ko.. Bakit niya ko iniwan? Pinagpalit niya ko hindi lang sa isa... Marami pa siyang ibang babae Zy... UWAAAAAHHH P-PANGET BA KO ZY? SABIHIN MO PANGET BA KO--HMPPP" Tinakpan ko ang bunganga niya dahil kanina pa kami tinitignan ng ibang tao sa lakas ng boses niyang umiyak jusko.

"Oo panget ka kaya manahimik ka nga muna, kita mo nahahalo na yung uhog mo dyan sa iniinom mong iced coffee nakakadiri." Iritang sabi ko sabay punas sa damit niya ng kamay kong pinangtakip ko ng bunganga niya kanina.

Ginawa niya naman ang sinabi ko at tahimik na lang na humihikbi at nakatulala sa kawalan.

"Nasaan na yung ex mo?" Tanong ko rito.

"Nagbanyo siya kanina.. S-siguro ngayon p-papalabas na siya ng coffee shop."

"Anong suot niya?"

"Naka-leather jacket.. a-ata siya.."

Inilibot ko na naman ang paningin ko sa buong coffee shop at sakto! Napatitig ako sa nag-iisang lalakeng naka leather jacket na papalabas ng pinto.

Target Locked. Mhuwahahahaha!

Kinuha ko ang iced coffee ng pinsan ko at aalis na sana ng pinigilan niya ko.

"T-teka... Saan ka pupunta?" Tanging pag-ngisi lang ang isinagot ko at tuluyan na ngang lumabas ng Coffee Shop na yon.

So where is that targeted fuckboi?

Luminga-linga ako sa paligid at namataan ang lalakeng naka-leather jacket habang nakapamulsa at chill na chill na naglalakad. Grabe pakboi na pakboi ang datingan ni kyah!

Walang pagdadalawang isip akong tumakbo papalapit sa kanya at sinipa ng malakas ang likod niya dahilan para mapabagsak ito sa lupa hindi ko inintindi ang mga taong nakasaksi samin dahil kanina pa kumukulo ang dugo ko sa isang ito.

"Ugh.. S-shit.." Mura niya habang nakadapa pa rin.

Nang lumingon siya sakin agad akong nagtaka dahil hindi ba dapat pag may taong umatake sayo ng hindi mo nalalaman tapos nasaktan ka parang sasabog na sa galit yung mararamdaman mo? Eh bakit sa kaso ni kuya parang wala lang? Hindi mo kasi mababasa yung expression ng pagmumukha niya dahil sadyang blanko talaga ito.

Pero leche lang ba't ang gwapo niya?

Nakatingala lang siya sakin at titig na titig sa kabuoan ko na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Wierd.

"Huwag mo nga kong titigan." Matigas kong sabi at pilit na hindi pinapahalata na natutunaw na ko sa mga tingin niya.

"Hindi mo lang ba tatanungin kung bakit ko to ginawa sayo?" Imbes sumagot itinaas niya lang ang dalawang balikat niya na parang sinasabing 'ewan ko'. Wierdo talaga.

Ilang segundo rin kaming natahimik ng bigla siyang ngumiti na siyang ikinakilabot ng buong sistema ko. 'Leche! anong ginagawa niya ngayon? Hindi niya ba pansin na ang wierd na ng dating niya?'

"Tumigil ka sa pagngiti walang nakakatuwa." Mariin kong sabi kahit sa totoo lang medyo kinikilabutan na ko.

"Ikaw... Nakakatuwa ka."

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon