Psycho 2: Curiosity Kills the Cat

204 23 40
                                    

Chapter 2

Curiosity kills the Cat.


Zyriah's POV

Nandito na ko sa classroom ngayon at hinihintay si mam Potaneska, adviser namin.

Isang linggo na rin ang nakalipas nang mangyari ang insidenteng iyon at sa loob ng isang linggo na iyon parati na lang akong binabangungot at kailangan ko pa ng sleeping pills upang makatulog leche siya!

Kung magkikita man kami ulit ng lalakeng iyon na pinapanalangin kong sana'y di mangyari hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Hey Zy! Nakikinig ka ba?" Nagising lang ako sa ulirat ng magsalita si Freya, bestfriend ko.

"May sinasabi ka?" Napakamot ulo na lang siya.

"Lutang ka na naman eh! Sabi ko may bago tayong kaklase! Ang usap-usapan ang gwapo daw tapos mukhang prinsipe shet!" Tili niyang mahina.

"Pwede ba yun nangangalahati na ang first semester? Tsaka aanhin ko naman yan, di naman makakain yan."

"Makakain kaya, kung magpapakain ahihihihi-Aray!" Kinurot ko nga siya sa kalandian niya.

"Goodmorning class.." Bungad ni mam kaya bumati rin kami pabalik sa kanya.

"As you know.. May bago kayong kaklase and he's here with us now." Kung nakikita niyo lang ang pagkasabik ng mga babae kong kaklase jusko lahat sila ay titig na titig sa nakabukas na pintuan.

"Pumasok ka na iho." Nakangiting sabi ni mam and just with that pumasok na nga ang lalakeng---

LECHE? ANONG GINAGAWA NIYA DITO?

Agad na lang tumayo ang balahibo ko sa katawan ng makitang naglalakad na papasok ang hinayupak na to.

Pasimple kong kinuha ang aking libro at yumuko para matakpan ang pagmumukha ko. Maya't-maya'y sumilip na lang ako mula dito sa librong hawak ko.

Ngayon ay nasa harap na siya katabi si mam Potaneska na para bang inoobserbahan ang paligid at bago pa man magtama ang mga tingin namin ay agad ko namang tinakpan ang buong mukha ko.

"Magpakilala ka na." Rinig kong sabi ni Mam at ibinaba ko na naman ulit konti yung librong hawak ko para makasilip.

"Zeth Carter." Walang emosyon na pagkakasabi niya dahilan para tumili ang halos lahat ng babae kong kaklase.

"About yourself?" Tanong ni mam ng mapansing walang planong magsalita ang lalakeng ito.

"19 years old. Only child..."

Makalipas ng ilang segundo at hindi pa rin siya nagsasalita, papaupuin na sana siya ni mam pero nagulat na lang kami ng bigla siyang ngumiti, yung ngiti niyang makalaglag panty--ay este demonyo.

"Macho dancer."

Dafuq?

Agad namang napuno ng halakhak ang buong classroom at tipid siyang napangiti dahilan para humupa na ang mga tawa ng aking kaklase.

"Just joking..." Titig na titig sa kanya ang lahat ng taong narito sa susunod niyang sasabihin ng biglang nagtama ang tingin namin.

"I'm a psychopath." Napadilat ang mata ko sa sinabi niya at natahimik ang buong klase.

Bobo ampta binuking yung sarili niya.

Nagulat na lang ako ng lahat ng kaklase ko at pati na rin si mam ay natawa ng dahil sa sinabi ng lalakeng ito. Seriously?! Ako lang ba ang nag-iisip na hindi nakakatawa yung sinabi niya?

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon