Chapter 16
Concern.
Zyriah's POV.
Ba't ang dilim?
Ako'y napapikit sa biglaang pagbukas ng ilaw sa aking itaas. Pinagmasdan ko ang paligid ngunit nananatili pa din itong madilim. Ang tanging nakikita ko lang ay ang sarili kong nakaupo at nakatali.
"Natatakot ako.."
Napalingon ako sa batang lalake na nasa aking tabi pero di gaya ko, siya ay nakatayo at di nakagapos. Bakas sa mukha niya ang takot at mahina pa itong napapahikbi. Magsasalita na sana ako upang siya'y pakalmahin sa tindi ng kanyang panginginig ng may nagsalita.
"Nagugutom ba kayo?"
Hindi maari... Yung boses na yun.. Imposible...
Ramdam kong nasa harapan lang namin siya. Ilang saglit pa'y mas inilapit niya samin ang kanyang katauhan dahilan para makita ko na siya ng lubusan. Di ako makapaniwala... kitang-kita ko kung paano siya pinatay ni Zeth, bakit siya nakatayo sa mismong harapan namin?
"MAGSALITA KAYO!" Nanggagalaiting sigaw ni Ina...
Agad bumigat ang aking pakiramdam at nahihirapan ako sa paghinga. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito na lang ang epekto nito sakin. Bumalik na naman yung pamilyar na pakiramdam na kung saan di ako makagalaw o makapagsalita man lang.
Mas lumakas pa ang pag-iyak ng batang lalake habang si Ina nama'y humahalakhak na.
Nakikita ko ang basang namumuo sa aking mga mata hanggang sa dahan-dahan itong napatulo sa aking pisngi. Ako'y napapikit at napayuko na lamang sa aking naririnig dahil sadyang nakakapangilabot na itong pakinggan. Kahit gusto ko mang takpan ang aking mga tenga ay di ko magawa dulot ng aking pagkakatali.
Natigil sa paghalakhak si Ina at mas humina ang pag-iyak ng bata kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nabigla ako ng makitang sadyang lumiit ang aking mga kamay. Mas nagulat pa ko ng pagmasdan ko ang aking sarili at nakita ang aking kabuoan...
Ba't tila bumalik ako sa pagkabata?
"ANGGE!"
Agad akong napadilat ng mata at ramdam na ramdam ko ang paghahabol sa aking hininga. Natagpuan ko ang aking sariling nakaupo sa upuan na sa hinala ko'y nasa pasilyo ako ng isang hospital dahil sa mga nakikita kong nakadamit pampasyente at mga nurse na naglalakad sa aking harapan.
Napatingin ako sa lalakeng dali-daling naglalakad palapit sakin at ganon na lang ang pagtataka ko kung bakit siya narito. Magtatanong na sana ako sa kanya ng bigla niya kong niyakap. Ilang segundo pa'y kumalas na siya sa pagkakayakap at ibinaba ang kanyang sarili sapat upang kami ay magkasing-lebel.
"Ba't ka naluluha? May masakit pa ba sayo?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Napakurap ako ng dalawang beses sa pagkakatulala ko at umiling na lamang bilang tugon. Pasimple kong kinusot ang aking mga mata at muling nagsalita "Anong ginagawa mo dito Dylan?"
"Nakatanggap ako ng tawag na nandito ka daw sa hospital.. actually sinagot ko lang yung cellphone ni Freya kasi ring ng ring, akala ko kasama mo si Girlie..." Sabi nito at napatingin sa katabi ko. "...siya pala kasama mo."
Napalingon ako sa tinutukoy niya at nakita ko ang isang Zeth Carter na naka de kwatrong na-upo habang nakapamulsa at nakatingin sakin. Wala nang bahid ng dugo ang kanyang pagmumukha na tila ba nakapaghilamos na ito.
"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo, pero buti na lang ligtas kayong dalawa." Dinig kong sabi ni Dylan.
Dumako ang paningin ko sa suot ni Zeth. Tila ba naka t-shirt na ito ngayon at di na suot ang kaninang jacket na halos maging kulay pula na sa dami ng dugo na tumalsik roon.
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...