Psycho 30: The Past

25 3 0
                                    

Chapter 30

The Past: Abduction




September 2008

Saturday, 9:15 am

MAKIKITA ang tatlong batang masayang nagkwekwentuhan sa ilalim ng isang malaking puno sa playground ng isang subdivision.

Tanging ang tatlo lamang ang tao roon kung kaya't kakabukas lamang ng private subdivision na ito at mangilan-ngilan pa lang ang mga residenteng nakalipat na sa kanilang mga tahanan.

"Nasaan na ba si boy astig?" Tanong ng isang batang babae sa mga kasamahan habang inaayos ang pulang headband na kanyang suot.

Napalingon naman ang batang lalake sa kanya "Pinabalik ko ng bahay para kunan ako ng dutchmill bakit?"

Napabusangot ito "Nakakainis ka naman eh! Maglalaro na kami!" Sabay padyak ng paa nito sa damuhan.

"Pake mo? Nauuhaw ako eh. Ayaw ko namang madehydrate dito ano sabi pa naman ni mommy nakakamatay yun edi mawawalan na kayo ng gwapong kalaro——aray!" Napainda ito sa sakit at matalim na tiningnan ang isa pang batang babaeng kasalukuyang nasa harap niya "Ba't ka nangungurot?"

"Huwag ka kasi munang malikot!" Asik nito sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa.

Ilang sandali nang siya'y matapos ay tinakpan niya ang ginamit niyang pentelpen at bahagyang lumayo habang pinipigilan ang sariling huwag matawa sa kanyang ginuhit sa kaliwang pisngi ng batang lalake.

"HAHAHAHAHA" Halakhak ng batang babaeng may pulang headband.

"Tinatawa-tawa mo dyan?" Nakangusong ani ng batang lalake.

"Bagay na bagay sayo yang malaking nunal mas nagmukha kang tao eh." Muli nitong halakhak.

Hahabulin na sana siya ng batang lalake ngunit bahagya itong natigilan nang may mapansin.

Kasalukuyan itong nakatingin sa likuran ng dalawang batang babae at para bang nanigas.

"Anong problema?" Tanong sa kanya ng batang may pulang headband nang mapansin ang kakaibang ikinikilos nito.

Hindi pa rin naalis ang kanyang tingin doon at mas lalong bumibigat ang kanyang paghinga hanggang sa nakahugot ito ng lakas para magsalita.

"T-takbo." Pabulong nitong sambit.

Imbes sundin ang kanyang sinabi ay takang napalingon ang dalawa sa kanilang likuran at ganun na lamang ang kanilang pangamba nang makitang papalapit sa kanilang gawi ang lalakeng may itim na balaclava.

Hindi makakilos ang tatlo. Nanginginig ang kanilang buong sistema at hindi alam ang gagawin hanggang sa di na napigilan pang sumigaw ng batang lalake.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon