Psycho 8: Journal

109 13 28
                                    

Chapter 8

Journal.


"Things 2 Do Be4 I Dye."

Agad kong hinablot ang maliit na journal mula sa kamay ni GL na ngayo'y tawa na ng tawa.

"Tanginang buhok yan, patay na patay mamc."

Taka ko naman siyang tiningnan sa sinabi niya at nang makahalata siya sa naguguluhan kong mukha mas napatawa pa siya ng malakas.

"Boba ka talaga Evangeline Perez, 'D' 'I' 'E' hindi 'D' 'Y' 'E' magpapakulay ka ata ng buhok bruha ka." Sabi niya habang pinipigilan paring huwag matawa.

"Sorry naman tao lang, papalitan ko na lang mamaya and FYI lang din ano, sa english lang naman di gumagana itong utak ko atleast aminado at isa pa ba't ba na saiyo 'tong journal ko?"

"Nahulog po yan nung palabas kayo ng classroom mahal na reyna kaya pasalamat ka sa beauty ko at ako ang nakapulot, kung iba pa yon naku naku." Pailing-iling na sabi nito kaya nagpasalamat na lang din ako sa kanya.

Yup naisipan kong gumawa ng 'to do list' bago ako mamatay, tutal papatayin lang din naman ako and aware naman ako dun kaya naman susulitin ko na ang maliligayang araw ko at nasa loob ng journal na ito ang aking gagawin.

"Nga pala anong nahithit mo at gumawa ka ng eksena doon sa office? May iba namang paraan para magpapasin eh, ikaw iba din trip mo teh." Pag-iiba niya ng usapan.

"W-wala.. Nagkamali lang ako." Pagdadahilan ko.

"Nako ikaw ha, kung malaman ko lang na nagdu-drugs ka ipapatokhang talaga kita. Kung di mo sana yun ginawa edi sana di ka mapaparusahan, isang linggo ka tuloy maglilinis ng mga comfort room dito sa school." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

Malay ko bang wala talagang lason yung cake na yun? Bwisit talaga si Zeth, siya ang may kasalanan kung bakit nangyayari 'to sakin. Lecheng psycho.

Nang makapasok na kaming dalawa ni GL sa canteen dahil lunch time na ngayon at nagugutom na din ako dali kong nahanap ang table kung nasaan si Freya at ganoon na lang din ang panggigigil ko nang makitang hindi siya nag-iisa.

"Ey Zeth, nendete ke ren pele." Pagpapacute ng baklang katabi ko nang malapitan na namin sila.

"Niyaya ko siya na dito maupo sa atin tutal childhood friend mo naman siya Zy at para makilala na rin namin." Matamis na ngiti ng bestfriend kong si Freya na ngayo'y katabi ang ungas na si Zeth.

Wala akong nagawa at naupo na lamang sa harap nila. Hindi na rin kami nag-order ni GL dahil si Freya na mismo ang nanlibre sa amin. Himala nga ang gaga, ni candy nga di kami binibilhan.

"Ano favorite color mo?"

"Anong height mo?"

"Favorite food?"

"Favorite movie?"

Iilan lang yan sa mga itinatanong nila kay Zeth, dinaig ata si Boy Abunda kung makapag-interview.

Infairness naman sa kanya sinasagot niya naman ng maayos ang bawat tanong ng mga kaibigan ko at take note! Nakangiti pa ang impakto. Galing talaga magpanggap.

Paano ko nalaman? Eh kanina pa ko nagnanakaw ng tingin sa kanya. Wala namang malisya, paano naman ako hindi mapapatingin eh siya 'tong nasa harapan ko mismo kaya naman di ko rin mapigilan.

"Animal lover ka ba?" Rinig kong tanong ni Freya sa kanya kaya gaya ng ginagawa ko palihim ko siyang sinulyapan sa magiging reaksyon niya.

"Yup.." Agad akong natigil sa pagnguya ng kinakain ko ng mapatingin siya sakin.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon