Psycho 26: Unveiling Secrets

35 2 0
                                    

Chapter 26

Unveiling Secrets

Zyriah's POV

Natagpuan ko ang aking sariling naglalakad dito mismo sa playground ng subdivision kung saan kami nagtungo ni Zeth noong nakaraang araw upang makalanghap ng sariwang hangin lalo pa't wala namang magagawa sa bahay.

"Huwag ka kasi munang malikot!"

Napalingon ako sa isang tabi kung saan nakuha ng atensyon ko ang tatlong batang narito.

Mas inilapit ko ang aking sarili sa kanila at nakitang para bang sinusulatan ng batang babaeng nakaputing bestida ang pagmumukha ng batang lalake gamit pentelpen.

"Ayan tapos na" Sambit ng batang babae nang matapos siya sa kanyang ginawa sa pagmumukha nito at bahagyang lumayo.

Pinipigilan nitong huwag matawa habang nakatingin sa mukha ng batang lalake habang ang isa namang batang babae na may pulang headband ay hindi mapigilang mapahalakhak ng tuluyan.

"Tinatawa-tawa mo dyan?"

"Bagay na bagay sayo yang malaking nunal mas nagmukha kang tao eh."

Napangiti ako at hindi ko na din napigilan pang magsalita "Hi." Napalingon sila "Ilan taon na kayo? Sa Radford elem din ba ba kayo nag-aaral? Baka kasi kilala niyo yung kapatid ko... Pangalan niya Ange——"

Natigil ako sa pagsasalita kung kaya't nararamdaman kong para bang may mali.

May mali sa mga ekspresyon na ipinapakita nila na talagang nakakabagabag...

Para bang natatakot ang mga ito..

"H-huwag kayong matakot hindi ko naman kayo sasaktan. Ako si ate Zy... Nakatira lang din ako dyan sa may——"

"HUWAG KANG LALAPIT SA'MIN!" Nagulat ako sa biglaang sigaw ng batang lalake dahilan para mapaatras ako.

Magsasalita na sana ako nang may biglang bumangga sa'kin mula sa aking likuran kung kaya't nilagpasan ako nito at nagtungo sa tatlong bata.

Parang.. nakita ko na ang pangyayaring 'to ah.

"H-HOY! BITAWAN MO YUNG BATA!"

Napasigaw ako sa abot ng makakaya ko ng makitang binuhat niya ang batang lalake kahit na grabe na ang pagpupumiglas nito.

Kita kong nakasuot ito ng itim na balaclava at ni hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin kaya naman mabilis akong nagtungo sa kanila at pinagsususuntok ang mga braso nito sabay hinila-hila para lamang mabitawan niya ang bata.

"TULONG! TULONG!" Paulit-ulit kong sigaw sa pag-asang may makakarinig sa'min. Kasabay ng paggsigaw kong rinig na rinig din ang mga bawat palahaw ng mga bata.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't kinagat ang kamay niya kaya naman malakas niya itong iwinakli dahilan para ako'y paupong napabagsak sa damuhan.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ng makitang tila lumiit ang aking mga paa kung saan suot nito ang kulay lila na doll shoes at ang mas nakakagulat pa'y napahawak ako sa aking kasuotan na ngayo'y suot-suot ko ang isang puting bestida gaya ng bestidang suot ng isa sa mga bata kanina.

Puta anong nangyayari.

"Umalis na kayo Eve!" Napaangat ang tingin ko sa batang lalakeng kasalukuyang buhat ng isang lalakeng nakaitim na balaclava "Humingi kayo ng tulong! Isumbong niyo sila kay papa! Matutulungan kayo ni papa!" Pagpupumiglas nito.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon