Chapter 29
Syd Chua
Freya's POV
Today 5:45 PM
May pumunta d2
kaninagray yung buhok
Kilala nyo?
Anona?
Ba't d k na nagrereps
Hoy
Hoy!
Pagnalaman ko lng talagang
pinapaasa niya si Zy at todo
suporta nmn kayo..wala lng
F.O.
Magcod kang mag isa mu!|
Padabog kong isinilid sa bulsa ang selpon nang makitang di na ko nirereplayan ni Xenon.
Sineen ba naman ako ng damuho matapos kong itanong kung kilala ba nila!
For sure magkakasama yung mga yon ngayon gumigimik sa kung saan baka nga kasama pa nila yung babaeng abo. Edi sila na mga kunsintidor!
Third Person's POV
"Ayos lang bang kunsintihin ang isang yan?"
Saglit na napatingin si Yoshi sa gawi ni Xenon na ngayon ay nakatayo na sa harap ng lalakeng nagsusumamo matapos nitong hinagis ang balisong roon.
"Malaki na yan. Alam niya ginagawa niya." Muli ay nagbalik ito sa pagbabasa ng libro.
"Baka nakakalimutan mo yung nangyari nung nakaraan?" Saglit na natigilan si Yoshi sa sinabi ni Jin "Primo's not here to stop him this time."
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Brix na halata sa pagmumukha nitong nababahala na at pabaling-baling ang tingin kina Yoshi at sa gawi nina Xenon.
"Nothing.. He just almost killed this one guy." Sagot ni Yoshi.
"Akala ko ba di kayo pumapatay?" Tanong muli ni Brix.
"Hindi nga."
"It's against the rules" Dagdag ni Jin.
"So hindi ba natin siya pipigilan? Unang beses kong nakita siyang ganyan kaseryoso.. nakakatakot. Ano mang oras pwede niyang saksakin si manong."
Natawa ng bahagya si Yoshi sabay lipat ng pahina ng librong binabasa "Don't worry.. other than Primo.. There's other two persons who can calm him down."
Napabaling ng tingin si Brix kay Jin sa pag-asang isa siya sa dalawang taong tinutukoy ni Yosh ngunit nag-iwas ito ng tingin at humikab sa kawalan.
"Wala bang higaan dito?" Sabay linga nito sa paligid "Makatulog nga muna gisingin niyo na lang ako kung may lamay nang magaganap."
Napangiwi si Brix habang tipid na natawa si Yosh sabay iling at nakapako pa rin ang atensyon sa libro nitong hawak.
Napabaling naman si Brix kay Mateo.
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...