Psycho 7: Cake

124 13 32
                                    

Chapter 7

Cake.


Kinabukasan..

"Attention, senior high school students at exactly 10:20 am please gather around the office and let us greet my son Wendel a happy birthday!"

"Ano namang pake natin sa anak niya diba? Napakapabibo naman." Pairap na sabi ni Freya habang nakatingin sa speaker na nakapaskil sa taas kung saan pinanggagalingan ng boses ng aming school principal.

"Hayaan mo na, parang di ka naman nasanay." Sabi ko habang binubuksan ang aking locker.

"For sure mga sipsip sa principal o mga pekeng kaibigan lang ni Wendel ang pupunta dyan, nga pala ba't absent si Zeth?"

"Malay ko---."

Napahinto ako sa pagsasalita ng tumambad sakin ang sobre na kulay pula pagkabukas ko ng aking locker.

"Ay ano 'to? San Chai ka te? Nasaan yung F4 mo?" Natatawang sambit ni Freya kaya pabiro ko siyang pinalo.

Pagbukas ko ng sobre tinanggal ko ang isang papel na nakapaloob dito at agad binasa.

'Rooftop now or else.'

"Anong nakalagay?" Nagulat na lang ako nang nasa tabi ko na pala si Freya kaya naman agad kong nilukot ang hawak ko.

"Ah wala napagtripan lang ako leche nga eh." Pagsisinungaling ko kahit katunayan alam ko kung kanino mismo galing 'to.

"Ah ganon ba, akala ko pa naman admirer mo na." Sabi niya sabay sira ng kanyang locker.

"Ano na Zy? tara na sa canteen nagugutom na ko."

"O-oo sige.." Sabi ko sabay tapon ng nilukot kong papel sa basurahan at isinara ang locker ko.

Ano ako tanga para pumunta? Bahala siya dyan, kailangan ba lahat ng gusto niya sundin ko? May 'or else' pang nalalaman che!

Nung sinabi niyang curiosity kills the cat at matutulad daw ako kay mimi, natulad ba ko? Nung sinabi niyang gigilitan niya ko, nagilitan ba ko? Hindi diba? Kaya naman isa siyang napakalaking ungas.

Nasa tapat na sana kami ng school canteen ng bigla kaming napahinto ni Freya dahil nagkakagulo sa loob.

"Hoy anong nangyayari?" Tawag ni Freya sa isa sa mga studyanteng kakalabas lang ng canteen at mukhang natataranta.

"Kanina pa nagsususuka si Jessica at hindi makahinga! Mukhang nalason siya! Para na nga siyang babawian ng buhay sa sobrang putla niya!" Nang dahil sa sinabi nito, agad namang nagsink-in sakin lahat.

"Oy saan ka pupunta?!"

Hindi ko na sinagot pa ang tanong ni Freya at mabilis na tumakbo palayo roon. Narinig ko pang isinisigaw niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Naiintindihan ko na ngayon ang ibig sabihin ng 'or else' na tinutukoy niya. Ang akala ko'y para sakin ito ay hindi pala kundi para pala sa iba, sa ibang tao na kung saan si Jessica ang nagbayad ng kapalit dahil hindi ako pumunta sa rooftop at ito ang nangyari sa kanya.

Siraulo ka talaga Zeth. Bakit kailangan mong mandamay ng ibang tao?

*BLAG!*

Kasabay ng marahas kong pagbukas ng pintuan ng rooftop na ito ay ang paglingon ng walang kaemo-emosyong si Zeth habang umiihip sa kanyang hawak na sigarilyo.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon