Psycho 3: Palatandaan

158 24 20
                                    

Chapter 3

Palatandaan.

Zyriah's POV

Tatlong araw rin ang nakalipas ng matakasan ko si kamatayan. Akala ko talaga katapusan ko na at ganun na lang ang panalangin ko ng magising ako sa isang hospital.

Tinanong ko pa si mommy kung paano ako napunta don at tanging sagot niya lang ay dinala daw ako dito ng gwapong kaklase ko na sa hinala ko ay ang psycho na si Zeth ang tinutukoy niya. Leche anong binabalak ng isang yun at dinala ako dito sa hospital na imbes patayin ako?

Sa loob ng tatlong araw na pananalagi ko sa hospital pinapakiusapan ko sina mommy at daddy na ilipat na ko ng ibang school dahil pagnagtagal pa ko baka tuluyan na kong mabaliw at mamatay pero langya di sila pumayag dahil panibagong gastos na naman daw ito. Hindi ko na pinaalam sa kanila ang tungkol kay Zeth dahil ayaw ko silang madamay, ayoko silang masaktan ng demonyong yun.

Alam niyo hindi ko alam kung paranoid lang ba ko o nababaliw na ko pero sa tuwing ako na lang ang mag-isa sa kwarto ko sa hospital parang may nararamdaman akong may nakamasid sakin. Shet ang creepy lang isipin.

"Zyriah!"

Nagising lang ako sa ulirat ng may sumigaw ng pangalan ko at pagtingala ko agad kong nakita si Freya sa entrance ng school at kumakaway.

Ikakaway ko na sana ang kanang kamay ko ng mapagtantong naka semento at may benda ito buhat ng pagkakahulog ko sa hagdan, kaya ang kaliwang kamay ko na lang ang itinaas ko.

Maglalakad na sana ako papunta sa kanya ng may humawak sa kaliwang pulso ko at paglingon ko kung sino ito ganon na lang ang pagbilis ng pagpintig ng puso ko ng makilala ko siya.

"Bitawan mo ko kundi sisigaw ako at malalaman ng lahat kung ano ka talaga." Mahinang sabi ko sapat na marinig niya.

Nagulat na lang ako ng hinila niya ko palapit yung tipong dikit na dikit na talaga ako sakanya.

"Subukan mo.. Bago pa mangyari yun nasaksak na kita."

Agad na lang akong napalunok ng laway ng mapagtantong may nakatutok ng kutsilyo sa tagiliran ko at isang maling galaw lang maliligo na ko sa sarili kong dugo.

"H-hindi mo m-magagawa yan... May mga t-tao sa paligid... May makakakita s-sayo.."

"Try me.." Bulong niya sa tenga ko at kumurba ang nakakakilabot niyang ngiti.

Nakikita ko sa di kalayuan ang nagtatakang mukha ni Freya na nakatingin samin ni Zeth na para bang magkayakap kami sa sitwasyon namin ngayon.

"That friend of yours, sa oras na lumapit siya dito alam mo naman kung anong mangyayari... Ayaw mo naman siyang mapahamak diba?"

Nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin agad kong sinenyasahan na ang sana'y papalapit na si Freya ay ma una na lang sa classroom at susunod na lang ako at kahit naguguluhan ay sinunod niya naman.

Ayokong mapahamak ka Freya, mahal kita kahit gaga ka.

"Ano.bang.gusto.mo?" Gigil kong bulong sa kanya at kumalas na siya sa pagkakadikit sakin.

"Sumunod ka." Walang emosyon na pagkakasabi nito at nagsimula ng maglakad kaya wala akong nagawa at sumunod na rin sa kanya para matapos na to.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng eskwelahan. Tahimik, mahangin at walang katao-tao bukod samin.

"Your baby brother is a bit brat huh?" Pagbabasag niya sa katahimikan habang pinapatulis ang kutsilyong hawak niya.

"P-paano mo nakilala si Angelo?"

"I met him at the hospital, nung dinala kita doon, actually hindi lang siya pati na rin ang buo mong pamilya." Napadilat ako ng mata sa sinabi niya.

"Binabalaan kita huwag mo silang gagalawin! Wala silang alam! Kung gusto mo h-hindi kita isusumbong sa mga pulis! Wala akong pagsasabihan! Basta't lubayan mo lang kami!"

Wala akong pake kung nasisigawan ko na siya basta pamilya ko na ang nasangkot, ibang usapan na yon.

Tumayo siya sa pagkaka-upo at muling nagsalita na labis kong ipinagtaka.

"I don't want that."

"Ano ba kasing kailangan mo?! Ano?! Gusto mo bang patayin ako? Sige na! Nandito na ko sa harapan mo ano pang hinihintay mo patayin mo na ko!"

Mas mabuti pang ako na lang ang mawala kesa masaktan niya ang pamilya ko.

Humakbang siya palapit hanggang sa isang panukat na lang ang layo niya mula sakin.

"Sa tingin mo ba nakatayo ka pa rin dito sa harapan ko kung yun yung ninanais ko?"

Isa pa yan eh! Yan rin yung pinagtataka ko kung gusto niya kong patayin dapat pinatay na niya ko nung nahulog ako sa hagdan edi sana tinuluyan niya na ko dun.

Marahas na lang akong napasabunot sa aking buhok dahil nalilito na talaga ako sa nangyayari.

"EH ANONG GUSTO MO?!"

"Ikaw.." Deretsyahan niyang sabi na ikina-awang ng bibig ko.

"A-ano?" Dahan-dahan akong napa-atras dahil humahakbang siya papalapit sakin.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na pader na ang kinasasandalan ko at wala na kong kawala.

Nang nasa harapan ko na siya at isang pulgada na lang ang lapit namin sa isa't-isa yung tipong magkaharap na yung mga mukha namin ay titig na titig siya sa mga mata ko at ako nama'y umiiwas sa nakakalunod niyang tingin.

"I want you.." Bulong niya at sabay inipit sa kaliwang tenga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko.

Napapikit ako ng makitang ilalapit na niya sakin ang mukha niya pero ilang segundo rin ang nakalipas naramdaman ko na lang ang hininga niyang kasalukuyang nasa leeg ko na nagbigay kuryente sa bandang parte na yon.

Anong binabalak niya?! Rape ba itu? Diba dapat itinulak ko na siya? Pero ano itong ginagawa ko?!

Agad na lang umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan ng maramdamang hinalikan niya ang leeg ko!

"Ano b-ba--." Itutulak ko na sana siya ng agad niyang hinawakan ang tangi kong braso na magagamit ko sana upang labanan siya.

Napapikit na lang ako ng mariin ng maramdaman ang hindi dapat maramdaman.

Hindi lang niya hinalikan ang leeg ko, sinisipsip niya pa ito.

Leche anong ginagawa ng demonyong to?! Bampira na ba siya ngayon?! Bakit niya to ginagawa?!

Hindi ko man lang siya mapigilanan kung kaya't pati rin ako nahihirapan na rin dahil marahas niyang hinahawakan ang kaliwang kamay kong walang benda.

Bakit ganito ang pakiramdam? Ba't parang nanghihina ako?

"You're Zeth's property now.." Dahan-dahan akong napadilat ng mata ng magsalita siya.

Nakita kong nakatingin siya sa bandang parte ng leeg ko na sinipsip niya kanina habang hinihimas ito dahilan para mapalunok ako.

Nabigla na lang ako ng mapatitig siya sakin at muling nagsalita.

"Ito ang palatandaan na akin ka."

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon