Psycho 9: Treat

110 12 27
                                    

Chapter 9

Treat.


Zyriah's POV

"Birthday mo na pala bukas? Ba't di mo sinabi?" Nakapout na sabi ni Freya.

"Yup hehe pasensya naman, actually gusto ko sana kayong imbitahan mamaya, kain tayo sa labas." Sabay namang napatili sina Freya at GL sa sinabi ko.

"Gosh gurl! Gorabels!"

"Sabi mo yan ah, wala ng bawian libre mo kaming apat." Sabi naman ni Freya.

"Oo na." Patawa-tawa kong sambit ng may bigla akong napagtanto teka apat? Hindi ba sina Freya, GL, at Dylan lang nama----Punyemas ba't ang bobo ko?

Agad naman akong napatingin sa nag-iisang ungas dito sa table namin at kita mo nga naman pangiti-ngiti pa ang impakto.

Nakatuon kasi ang buong atensyon ko sa lalaking lumapit dito kanina eh yan tuloy nakalimutan ko na na nandito pa pala si Zeth. Alangan namang sabihin ko na huwag siyang sumama samin, edi magtataka sila.

"Nako baka hindi makakapunta si Dylan Zy, hindi ba may practice kayo?" Tanong ni Freya rito.

"Nope, free ako mamaya. Palagi na nga kami nagpapractice eh, itong birthday mo nga isang beses lang sa isang taon mangyayari tapos di ko pa pupuntahan? Kaya gaya nga ng sabi ni Girlie... Gora lang mga mamc!"

Natawa naman kami sa huling sinabi ni Dylan dahil kahit na pinapabakla niya yung tono ng pananalita niya di pa rin nawawala yung kakisigan ng boses niya.

"Oh ikaw Zeth, wala ka bang gagawin mamaya?" Tanong ni Freya dahilan para mapalingon kami sa kanya.

Imbes na magsalita nakangiti itong umiling.

"Nako mamc! Ngiti pa lang nakakajontis na!" Bulong sakin ni GL kaya napatawa na lang rin ako sa kalandian niya.

So no choice na nga talaga. Sasama nga samin ang ungas na 'to.

****

Hennesy Dining.

Time check.

7:31 pm.

Kakatapos lang magligpit ng mga waiter ng mga pinagkainan namin ng sinapian naman ng kademonyohan ang kaibigan kong si GL.

"Ano guys? Tara inom tayo. I'm sure may beer naman dito."

"Nako masaya yan baklaaaa! Ano tatawag na ba ko ng waiter?" Sambit ni Freya habang taas-baba ang kilay nito.

"Freya naman, baka hinahanap na si Angge sa kanila." Sita ni Dylan sa nakababata niyang kapatid at humarap sakin tsaka muling nagsalita.

"Angge thank you for your treat, malapit na mag eight pm kailangan na siguro nating----."

"It's okay Dylan, nagpaalam naman ako kay mama na medyo matatagalan ako ng uwi at alam naman niya na kayo yung kasama ko." Nakangiti kong sambit sa kanya.

"So ano na nga? O-order na ba ko?" Excited na sabi ni Freya at nakangiti naman akong napatango bilang pagsang-ayon.

"Isang case nga dito kuya!" Pagtawag niya sa waiter na siyang narinig naman nito.

****

Isa't-kalahating oras na rin ang nakakalipas at medyo nahihilo na rin ako dahil sa nainom ko pero di ko naman masasabing wasted na talaga dahil kontrolado ko pa naman ang aking sarili.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon