Chapter 22
Friends.
Third Person's POV
Pagdating ng mall ay lumihis muna saglit si GL sa kanila, kung kaya't pupunta ito sa bookstore para bilhin ang pinabibiling libro ng mama niya.
Nagtungo ang tatlo sa department store kung saan maghahanap ng mga kagamitan para sa kanilang proyekto gaya ng napag-usapan.
"Isang cart na lang tayo ah. Kaunti lang naman yung bibilhin ko eh, pangskin care ko lang hehe." Ani Freya na siyang tumutulak sa push-cart.
"Oh hindi ka bibili para sa arts?" Tanong ni Zyriah.
"Nah... si Paulo na daw bahala ron basta binigyan ko na siya ng pera bilang ambag ko."
Habang nag-uusap ang dalawang magkaibigan ay nakasunod lamang si Zeth sa kanilang likuran.
'Ang tahimik ata ng isang yun.' Sa isip-isip ni Zyriah.
Hindi niya mapigilang palihim na mapalingon rito kung kaya't kitang-kita niya na abala ito sa kanyang cellphone.
"Huy Zy nakikinig ka ba?"
"Ay bakit?"
"Nako lutang ka na naman!"
"Pasensya... ano ba yun?"
"Sabi ko unahin muna natin bilhin yung sainyo tsaka na yung for skin care ko."
"Gaga nasa 2nd floor pa yung school supplies, mabuti pang ikaw na lang muna mauna tutal nandito na tayo... Sa pagkakaalam ko malapit lang dito yung mga creams and lotions."
"Okaaay... Nasaan? Hehe."
Napailing na lamang si Zyriah sa naging reaksyon nito "Nako naman Freya... Taga saan ka ba? Ilang beses na tayo pumupunta sa mall na 'to oh." Pabirong pang-aasar nito kaya naman sinipatan lang siya ni Freya at napatawa na lamang ang dalawa.
Ilang saglit pa'y naglalakad ang dalawa kasunod si Zeth ngunit di pa din nila makita ang mga skin products na gustong bilhin ni Freya.
"Ano ba naman yan Zy... Taga saan ka? Ilang beses na tayo pumupunta sa mall na 'to o para namang just now ugh." Sipat na naman ni Freya bilang pagganti kaya naman natatawa siyang binatukan ni Zyriah.
"Eh kasi naman parang binago nila yung arrangements no.. Sure ako nandito lang yung body wash at bar soaps section e."
"Bar soaps? Sige try mo lugurin yang cellphone na nakahilera sa harap natin ngayon sige."
"Magtanong ka na nga lang." Natatawang ani ni Zyriah sa pagiging sarkastiko nito.
"Fine.. kanina mo pa dapat iminungkahi yan."
Lumapit si Freya sa isa sa mga saleslady na nasa malapit upang magtanong nang bahagyang napalingon ni Zyriah sa lalakeng kasama nila.
'Siya 'tong nag-aya tapos wala naman dito yung atensyon niya.'
Hindi napapansin ng dalaga ang inis na nadarama niya kung kaya't ibinaling na lamang nito ang paningin sa paligid nang may makakuha ng atensyon niya.
Naglakad siya papalapit sa phone cases na nakahilera sa kanyang harap at hindi mapigilang mapangiti nang makakita ng disenyong pucca roon.
Ilang saglit pa nang makarating sa lugar kung nasaan ang mga kagamitan para sa kutis ay pumili na si Freya at inilagay sa cart nito.
"Sabi nung babae kanina nandito lang din sa floor na 'to yung school supplies ano." Ani Freya nang matapos sa paglalagay.
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...