Chapter 15
Heartbeat.
Zyriah's POV
Nang mapukaw ni Zeth ang lahat ng atensyon nila. Nakakuha ako ng pagkakataong sikuhin ang tyan ng isa sa mga humihila sakin habang ang isa nama'y nasipa ko ang natatangi niyang pagkalalake kaya naman nakatakas ako mula sa kanila.
Habang tumatakbo napalingon ako sa aking likuran sa di malamang dahilan at nakikita ko kung paano sugurin si Zeth ng mga taong nagbabalat oso, di ako makapaniwalang isa-isa niya itong napapabagsak gamit lamang ang kutsilyong hawak niya na para bang sanay na sanay siya sa kanyang ginagawa ni hindi niya iniinda ang mga nagtatalsikang dugo mula sa mga taong nasasaksak niya.
Haharap na sana ako ng may biglang humila sakin at kinulong ako sa malaking bisig nito na para bang ako'y iniipit dahilan para mapainda ako sa sakit. Hindi gaya ng ibang mga taong nagbabalat oso mas malaki at mas maskulado ang nakadakip sakin ngayon.
Pabagsak niya kong ibinaba sa lupa at sinimulan na namang itali ang mga kamay ko, di na ko nakapanlaban pa dahil ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking buong katawan. Pagkatapos niyang itali ang aking mga kamay sinunod niya naman ang aking mga paa.
Hinila niya ang aking kwelyo dahilan para mapaupo ako sa aking pagkakahiga.
"Pinatay niya ang pinakamamahal kong si Ina, masdan mo kung paano ko dahan-dahang patayin ang walangya mong----." Hindi natuloy ang kanyang sasabihin ng bigla itong mapa-ubo ng dugo at pabagsak na nahiga sa aking harapan.
"Raming satsat.." Napatingala ako kay Zeth na kasalukuyang nakatayo at may hawak na kutsilyo.
Binigyan niya ko ng walang emosyong tingin at nagsimulang maglakad upang ako'y lapitan.
Ganon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng maramdamang may nakadikit na bagay mula sa likod ng aking ulo at may ideya na ko kung ano ito, dahil dito napatigil sa paglapit si Zeth habang nakatingin sa mismong likuran ko.
Marahas akong hinila patayo ng kung sino man nitong hinayupak na nasa likod ko at nagsalita "Bitawan mo yang kutsilyo."
Umiling si Zeth bilang tugon.
Napabuntong hininga ang lalakeng nagbabalat oso at muling nagsalita "Wala sayo ang kapangyarihan bata.." Sabay niyang tinaas ang baril at ngumiti "Nasakin.."
"Tumakbo ka na lang."
Nababaliw na ba 'tong lalakeng 'to? Mamamatay kaming dalawa sa pinagsasabi niya! Anong laban ng kutsilyo niya sa baril aber?!
"ANO?!" Sigaw ng lalakeng katabi ko na kasalukuyang nakakapit saking braso.
Walang emosyon siyang tinitigan ni Zeth at nagsalita "Binibigyan kita ng pagkakataong mabuhay... Huwag mong sayangin."
Napahalakhak ang lalake at sabing "Bibitawan mo o pasasabugin ko ang ulo ng babaeng 'to?" Kasabay niyang idinikit ang baril na hawak niya sa aking sentido.
"Gawin mo."
Punyetang shit mamamatay na ata ako!
"Z-zeth.. a-alam kong may b-balak kang patayin ako... d-di pa ko handa.. D-di pa ko nakapagpaalam s-sa mga... mahal ko sa b-buhay.... Wag mo naman sanang----."
"TANGINA! MANAHIMIK KAYONG DALAWA!" Galit niyang binalingan ng tingin si Zeth at ramdam na ramdam ko ang panggigil niya rito "Ikaw! sino ka sa inaakala mo para makapagyabang kahit na nasa bingit na kayo ng kamatayan?! At ngayon... Kasalanan mo kung ano man ang mangyayari sa babaeng 'to."
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...