Psycho 24 Meeting the Family

53 3 0
                                    

Chapter 24

Meeting the Family

Zyriah's POV

"Ano ba naman yan Ria..." Napakurap na lamang ako at napatingin kay ate Sally. Kasalukuyan lang naman siyang naglalakad papalapit sa amin ni Zeth dala-dala ang isang tray "Matutunaw yang bisita mo sa kakatitig mo eh."

"Sanay na 'ho ako." Hindi ako makapaniwalang napalingon sa bwisita namin nang magsalita ito bagay na ikinatawa ni ate Sally.

"Ay ibang klase ka din Ria ah.. nasanay na tuloy siya." Patawa-tawang aniya pa habang inilalapag ang dalawang baso ng juice at isang plato ng mga choco lanay sa aming harapan.

"H-hehe.. Huwag kayong magpapaniwala dyan. Palabiro talaga ang isang yan." Peke ako natawa.

"Ano nga ulit yung gagawin niyo?" Baling ni ate Sally kay Zeth na nakaupo sa sofa na nasa tapat ko.

"Arts project 'ho namin." Hindi ko mapigilang mapangiwi sa sobrang galang niya nang bigla siyang napatingin sa'kin "Siya 'ho kasi yung partner ko."

Namilog ang mata ko nang impit na mapatili si ate Sally "Partner for project lang ba talaga o partner in life na—"

"AH!" Nagulat silang dalawa sa biglaag pagsigaw ko "ah hahaha... baka masunog yung iniinit niyong tinapay sa oven.. Nangangamoy na ata."

"Ay oo nga pala maiwan ko muna kayo."  Aniya at naglakad patungog kusina.

Na nabuang.

"Ba't nataranta ka? Kala mo naman totoo." Sambit pa niya.

"Pinagsasabi mo dyan? Di no." Ani ko sabay kuha ng tinapay at kumain.

Gaya ko'y kumuha din siya ng tinapay "Ikaw... ako..." Napaangat ang tingin ko sa kanya "Gusto mo ba totohanin na natin?"

Nabulunan ako sa narinig.

WTF.

Agad kong kinuha ang isang baso ng juice sa tabi at ininom ito.

Muli akong tumingin sa kanya sa pag-asang babawiin niya ang sinabi at hinihintay na sabihing 'biro lang' dahil kung tutuusin wierdo talaga mag biro ang isang ito ngunit kumakain lamang siya ng tinapay habang sinisiyasat ang buong paligid.

Ano ba talagang trip mo Zeth Carter? Mababaliw na ko sayo hayop ka.

"Ria.." Kasabay ng pagtawag sa akin ni Ate Sally ay ang pagtunog ng doorbell "Mommy mo na ata yan."

"A-akala ko 'ho ba nagtext sa inyo kanina na mamayang gabi pa?" Pilit akong napangiti.

"Surprise ata." Malapad na ngisi nito.

Ngayon pa talaga!

Kalma lang Zyriah si mommy lang yan... Hindi naman gaano ka matanong si mommy eh, magalang naman din magsalita itong isa kaya ayos lang kalma lang walang mangyayari. Sasabihin ko lang na gagawa kami ng project. For project only.

Agad akong napatayo sa pagkaka-upo at sumilip sa bintana kaya naman tanaw na tanaw ko si lola at Angelo na pababa din ng sasakyan.

Okay si lola at yung kapatid ko. Wala din namang problema sa kanila. Kaya lang yan. Magiging maayos ang lahat basta wala lang si "DAD?!"

Hindi ko mapigilang mapasigaw nang makita siya pagkabukas ko ng pinto "H-hindi po ba next week pa po uwi niyo galing business trip? B-bat kasabay niyo sila mommy?"

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon