Psycho 20: Unwanted Feelings

77 6 0
                                    

Chapter 20

Unwanted Feelings.

Zyriah's POV

Gaya ng inaasahan, natalo na naman ako sa argumento laban sa siraulong si Zeth.

Kasalukuyan lang naman kaming naglalakad sa gitna ng tahimik na kalsada ng subdivision na ito.

Hindi naman nakakatakot kung kaya't nananatiling nakasindi ang mga poste ng ilaw kaya naman hindi madilim ang paligid.

Wala ni isang nagsasalita sa amin at mas pinili kong sumunod na lamang sa kanya ng hindi na nagtatanong pa dahil tiyak na wala akong maayos na impormasyong makukuha sa isang ito.

Bahala na siya dyan gaya ng sabi niya kanina ang lugar kung saan kami tutungo ay nasa loob lang naman ng subdivision at kung lalabas man kami dito ay halata naman na malalaman ko kasi may nakabantay namang mga gwardya sa entrance at exit gate nito.

Hala oo nga no. Paano siya nakapasok sa subdivision na 'to kung may mga nakabantay na gwardya?

Hindi ko na napigilan pa at magsasalita na sana ng may natanaw ako mula sa di kalayuan. Hindi ko mabatid ngunit natagpuan ko na lamang ang aking sarili na kusang napatakbo patungo roon.

"Woah." Ang tangi kong nasambit pagkarating ko ng parke na ito.

Iginala ko ang aking paningin at mas lalo lamang akong namangha sa itsura ng buong paligid.

May iba't-ibang mga makukulay na mga bulaklak na nasa magkabilang gilid ng daanan at kahit maliit lamang ito na parke ay talagang napakaganda ng kapaligiran nito. Idagdag pa ang animo'y mga christmas lights na kulay ginto na nakapalibot na nagbibigay ilaw sa lugar na ito.

Napadako naman ang aking paningin sa unahan kung saan nakikita ko ang playground mula dito kaya naman di na ko nagdalawang isip pang lumapit roon.

Nakakamangha. Kung iisipin nga mula ng bumalik kami dito ay hindi ko pa napupuntahan ang parkeng ito. Alam ko namang may ganitong lugar talaga sa subdivision namin lalo na't nadadaanan ko ito paminsan-minsan ngunit di ko inaakalang ganito pala ka ganda ang lugar na ito lalo na't sa gabi.

"Perez."

Natigil lamang ang pagpapatansya ko sa buong paligid ng magsalita na ang asungot mula sa aking likuran kaya naman napalingon ako dito.

Kasalukuyan lang naman siyang pa-dekwatrong nakaupo sa isa sa mga bench ng playground na ito. Sinenyasan niya kong ma-upo din sa tabi niya kaya naman lumapit na lang ako dito at sinunod ang kanyang sinabi.

Umupo ako sa pinaka dulo ng bench na ito habang siya nama'y nasa kabilang dulo. Hindi naman talaga mahaba itong kinauupuan namin to the point na malayo talaga kami sa isa't-isa. Kumbaga... Sakto lang. Ayaw ko lang kasi talagang malapit sa kanya dahil...bakit nga ba? Hay Ewan.

Ewan ko ba para kasing may kakaiba akong nararamdaman nitong mga nakalipas na araw kapag kasama ko 'tong siraulong 'to at alam ko sa sarili kong di ko nagugustuhan ang pakiramdam na yun----parang may hindi magandang maidudulot.

"Nakikinig ka ba?" Doon lamang ako namulat sa pagkakatulala ng magsalita siya at agad naman akong napatingin sa kanya.

"A-ano?"

"Sabi ko akin na yung lapis."

"Ah sige, sandali." Sambit ko na lamang at binuksan ang zipper ng pouch kong hawak kung saan nakalagay ang mga iba't-ibang kagamitang kabilang sa arts.

Oo nga pala. Ginawa akong tagabitbit ng gamit nitong pesteng 'to. Parang P.A lang eh kapal talaga.

Ibinigay ko na lamang sa kanya ang lapis at eraser na nakuha ko mula sa pouch. Mabuti na yung advance para di na siya maghanap pa ng eraser ano.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon