Chapter 17
Bullies.
Zyriah's POV
Isang araw din ang nakalipas ng mangyari iyon at masasabi kong may maganda din pa lang naidulot ang pagsisinungaling ni Dylan kay daddy dahil matapos ang insidenteng yun pinaakyat na lamang ako ni daddy para makapagpahinga at mamaya na lang daw namin pag usapan. Pagkagising ko ng hapon na iyon, wala akong sermon na natanggap sa kanya at sinabi lamang na huwag ko na daw uulitin basta sa susunod magpaalam ako ng maayos. Himala ano? Nalaman ko nga din na magkumpare sila ng papa ni Dylan kaya siguro ganon na lang ang tiwala niya kay Dylan. Kung yun lamang ang naging reaksyon niya pwes mas malubha kay mommy, di ko nga mabilang ilang beses niya kong napalo gamit ang mahiwaga niyang kamay eh. Pero kahit ganon humingi naman ako ng tawad sa kanila dahil alam kong mali talaga ang aking nagawa.
Lunch time na at kakapasok ko pa lang sa eskwelahan ganon na lang ang pagtataka ko ng makitang bawat estudyanteng madadaanan ko ay hindi lamang ako tinitingnan ang malala pa'y nagbubulungan pa ang mga ito. Ano bang problema nila? Ah bahala sila. Magtatanong na lang ako mamaya kay bakla mukhang may alam yun eh.
Napagdesisyunan kong dumaan muna sa classroom baka maabutan ko roon si Freya at para mailagay na rin 'tong bag ko. Aakyat na sana ako ng hagdanan ng building namin ng makita ko si Dylan at ang ibang varsity players na kasama niya na naglalakad patungo sa direksyon na 'to.
"Dylan!" Nakangiti kong bati habang kumaway pa sa kanya. Hindi pa pala ako nagpapasalamat sa lalakeng ito kung di dahil sa white lies niya mapapagalitan na sana ako ng malala ni daddy.
Napukaw ko ang kanyang atensyon at ganon na lamang ang pagtataka ko ng biglang nagbago ang expresyon ng pagmumukha niya ng magtama ang tingin namin, imbes kumaway pabalik at tawagin ang aking pangalan gaya ng ginagawa niya ay tumango lamang ito at ibinalik ang atensyon niya sa mga kasama. Nang malapit na sila sa aking harapan akala ko'y hihinto si Dylan upang ako'y kamustahin ngunit mas nagulat pa ko ng nilagpasan niya lamang ako.
Kahit na naguguluhan pa din hindi ko na lamang ito pinansin at pinili na lamang umakyat ng hagdan papunta sa aking classroom.
Habang naglalakad, pilit kong inaalala kung may nagawa ba kong mali hindi lamang kay Dylan kundi na rin sa mga estudyanteng nag-aaral sa unibersidad na 'to at kahit anong isip ko ay hindi ko pa rin malaman kung ano nga bang nagawa ko ba't biglang naging ganito ang pakikitungo nila sakin.
Third Person's POV
Pagpasok ni Zyriah sa kanilang silid-aralan, agad hinanap ng mata niya ang kaibigan niyang si Freya ngunit wala ito roon. 'Ah, baka nasa canteen.' Sambit niya sa kanyang isipan. Di niya napigilang iginala muli ang kanyang paningin sa di malamang dahilan hanggang sa napagtanto niya ang kanyang ginagawa 'Oh ba't hinahanap mo yung lalaking yun Zyriah? May sira ka na din sa ulo eh.' Sambit na naman ng baliw na babaeng ito sa kanyang isipan. Naisipan niyang ilagay na muna ang dala niyang bag bago magtungo sa canteen.
Pagkatapos niyang ilapag ang kanyang bag sa kanyang upuan, napatingin siya sa upuang nasa kanyang likuran na pag-aari ni Zeth at ganon na lang ang pagtataka niya ng makitang walang kahit anong gamit o bag ang nakalagay roon. 'Ba't kaya absent ang isang yun?' Hindi niya napigilang mapaisip.
Nagsimula na siyang maglakad upang magtungo na nga sa canteen. Hindi pa man siya nakakalabas ng kanilang silid, bigla na lang siyang padapang nasubsob sa sahig dahil itinisod siya ng isa sa mga studyanteng babae.
Pste ang sakit ng tuhod ko, lalong-lalo na ang binti ko bwisit! Hindi pa naman 'to magaling ng tuluyan.' Napa-angat siya ng kanyang tingin at bumungad sa kanya ang mga tawanan ng kanyang mga kaklase hindi siya nakapagsalita man lang dahil nangunguna ang pagtataka sa kanyang isipan kung ba't ginawa nila ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...