Psycho 11: Drunk

114 7 19
                                    

Chapter 11

Drunk.


Third Person's POV

"Woah... Malapit na kong maniwala dun ah." Patawa-tawang sambit ni Freya "Oh gurl mukhang na-frozen ka ata dyan?" Baling nito kay Zyriah.

"Pinagsasabi mo? Hahaha... B-bakit naman? Anong meron? Hindi ba ang dare mo sa kanya is magsinungaling siya, so ginawa niya lang naman, anong pake ko dun?" Sabi ni Zyriah habang itinatago pa rin ang pagkabigla niya.

"Owkaayy... Sabi mo eh, ses yun lang tinanong ko ang raming sinabi." Natatawang bulong ni Freya sa huli.

"Dylan okay ka lang?" Pag-iiba ni Zy ng usapan dahil napansin din niya na napapapikit na ito ngayon.

"Ah o-oo." Mariin nitong pikit at muling nagsalita "Dala lang siguro ng alak." Sabay itong napahilot sa kanyang sentido.

"Huwag ka na kayang uminom." Sabi ni Freya.

"H-hindi okay lang, kaya ko pa naman at isa pa naglalaro din tayo eh." Napatango na lang ang nakababata niyang kapatid bilang tugon.

Hindi nila napansin ang oras dahil sobra silang nasiyahan sa kanilang ginagawa na halos isang oras na din ang lumipas at sila na lamang ang mga natitirang customer roon.

"Truth or dare?" Tanong ni Freya sa kanyang kaibigan.

"Truth! Ba't ako matatakot? HAHAHA" Wala sa sariling halakhak ni Zyriah dala ng kalasingan dahilan para mapa-iling si Zeth dito.

"Mahal mo pa ba si Victor?" Sabay taas baba ng kilay ni Freya.

"Victor Frankeinstien? Ulol mo Freya wala akong minamahal na ganun!" Sabay halakhak nito kaya naman mahina siyang binatukan ni Freya.

"Gaga mo din eh. Yung ex mo!"

"Ah yun ba?" Napaisip naman ito at nagsalita "Hmm... Syempre!" Napangiwi si Freya sa sagot niya at magsasalita na sana ng magsalita naman ulit ito "Hindi na! HAHAHAHA mas gugustuhin ko pa ngang mamatay na yun eh leche niya!" Parang baliw na halakhak pa nito.

"Ay! Mabuti naman di ka na tanga!" At nag-apir pa silang dalawa sabay tawa ng tawa.

Natigilan na lamang sila ng dahan-dahang tumayo si Dylan "P-punta muna akong r-restroom." Garalgal ang boses nito at nagsimula ng maglakad.

Matutumba na sana siya pero mabuti na lang at naalalayan siya ni Freya.

"Ano ka ba naman! Ikaw mismo ang nagsabi na dapat may isa pa sa'tin ang matino yung pag-iisip tapos ganyan ka ngayon?" Nakaakbay nitong sambit sa kanyang kuya habang inaalalayan itong huwag matumba.

"Di n-naman ako... M-mahina pagdating sa i-inuman... ngayon l-lang.. I don't k-know why.." Pinipilit nitong idilat ang kanyang mata pero di niya kaya.

"Ses salita ka pa dyan eh, umuwi na nga tayo." Napalingon siya kay Zyriah at nagtaka kung bakit matalim ang pagkakatitig nito kay Zeth pero binalewala na lang niya at nagsalita "Hoy Zy! Tara na uwi na tayo."

Napalingon naman si Zyriah sa kanya at nakanguso itong umiling "I don't want!" parang batang sabi nito.

"Lasing ka na babaeng ka, tumayo ka na nga sabi dyan!" Sabi sa kanya ni Freya habang inaalalayan pa din si Dylan.

"Sabi ko naman sainyo makakauwi ako ng mag-isa eh!" Matinis niyang sambit.

"Mauna na kayo..." Sabi pa niya at Napaharap kay Zeth sabay turo dito. "May pag-uusapan pa kami ng ungas na 'to!"

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon