Chapter 21
Avoid.
Zyriah's POV
Nagising ako ng makarinig ng may pawa bang batang nagtatawanan sa paligid. Nang imulat ko ang aking mga mata ay kasalukuyan pa din akong nasa playground.
Hinanap ng mata ko ang lalakeng kasama ko rito kanina ngunit di ko siya makita.
Lecheng Zeth yon iniwan akong mag-isa rito.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa bench at napukaw ng atensyon ko ang tatlong batang naglalaro sa may duyan. Halos ka edad lang nila yung kapatid ko.
Dapat nga mga batang ito yung kasama niya hindi yung encyclopedia na nakadisplay sa bahay. Grabe kasi yung batang yon mas matanda pang mag-isip kesa sakin. Hindi ko mapigilang mapangiti at naglakad patungo sa mga ito.
"Nasaan na ba si boy astig?" Nakapameywang na tanong ng batang babaeng may pulang headband.
"Pinabalik ko ng bahay para kunan ako ng dutchmill bakit?" Tanong ng nag-iisang lalake sa kanila.
"Nakakainis ka naman eh! Maglalaro na kami!" Raklamo naman pabalik ng may pulang headband.
"Pake mo nauuhaw na ako eh..."
Aba'y supladong bata.
"Ayaw ko namang madehydrate dito ano." Pagpapatuloy ng batang lalake sa kanyang sinasabi "sabi pa naman ni mommy nakakamatay yun edi mawawalan na kayo ng gwapong kalaro---aray! Ba't ka nangungurot?"
Buti nga sayo.
Kinurot lang naman siya ng isa pang batang babaeng may puting bestidang suot.
"Huwag ka kasi munang malikot!" Sambit nito sa batang lalake habang sinusulatan ang pagmumukha nito gamit ang isang pentel pen nitong hawak. ng malaking nunal gamit ballpen ang pisngi nito.
"Ayan tapos na" Sambit ng batang babaeng may puting bestida kaya napatawa na lamang ang isang batang babaeng may pulang head band ng makita ang pagmumukha nito.
"Tinatawa-tawa mo dyan?"
"Bagay na bagay sayo yang malaking nunal mas nagmukha kang tao eh." Tuluyang tawa nito.
Hindi ko ding mapigilang mapatawa dahil napaka cute talaga nilang pagmasdan.
Dahil dito'y napalingon sila sa aking gawi kaya naman ngumiti ako pabalik. Maglalakad na sana ako upang sila'y tuluyang malapitan nang agad akong napahinto at nagtaka sa ekspresyon na kanilang ibinibigay.
Kung kaya't pawa bang sila'y natatakot..
Magsasalita na sana ako nang may biglang bumangga sa mula sa aking likuran kung kaya't nilagpasan ako nito at nagtungo sa tatlong bata.
Agad na lamang nanlaki ang mga mata ko ng binuhat niya ang batang lalake na pawa bang isang sako ng bigas dahilan para magsimula itong magsisigaw.
"H-HOY! BITAWAN MO YUNG BATA!"
Kita kong nakasuot ito ng itim na balaclava at ni hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin kaya naman mabilis akong nagtungo sa kanila.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't pinagsususuntok ko ang mga braso nito at hinila-hila para lamang bitawan niya lang ang bata.
"TULONG! TULONG!" Paulit-ulit kong sigaw sa pag-asang may makakarinig sa'min. Kasabay ng paggsigaw kong rinig na rinig din ang mga bawat palahaw ng mga bata.
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...