Chapter 27
Nightmares
Zyriah's POV
Malapit ko nang mabato ang hawak kong cellphone nang bigla na lamang itong nag-ring at di ko malaman kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa nabasa kong text tas ngayon pinili niyang tumawag?!
Tinitigan ko ang screen nito kung saan makikita ang pangalan niya. Napalunok ako tsaka pinindot ito upang sagutin.
Hindi ako nagsalita bagkus ay pinakiramdaman ko ang nasa kabilang linya kung saan mabibigat niyang paghinga lamang ang tanging maririnig.
Magsasalita na sana ako kung ano na naman bang trip niya at napatawag sa ganitong oras nang marinig ko ang kanyang tinig.
"I want to hear your voice.. Can you speak?" His voice was deep but airy at the same time.
"Bakit?"
"To know that you're safe."
Hindi ko alam kung bakit ang mga walang kwentang salitang iyon ay kahit papaano'y sa di malamang dahilan ay nakakagaan ng kalooban.
Masasabi kong 'Walang kwenta' dahil kahit na ganun ang epekto nun sa'kin ay hindi ko man lang mapagtanto kung bakit niya nasasabi ngayon ang mga bagay na ito.
"Sana ayos ka lang..." Sarkastikong sagot ko rito "Papaano naman ako hindi magiging safe anong oras na oh? Malamang sa malamang nasa loob na ko ng bahay... nung kala mo sa'kin party girl?" Pangangaral ko pa sa kanya "Osya yun lang ba? Sige goodbye——"
"Wait——are you sick?"
"Di ah." Mabilis kong tugon ng mapagtantong kakagaling ko lang pala sa pag-iyak.
"Your voice seems a bit weird. Sigurado ka ba wala kang sakit?"
"Wala nga kulit mo."
"O baka naman..."
"Hello?" Tanong ko nang hindi ko na siya naririnig pa "Hoy.. Hoy Zeth!"
Anak ng...
Binabaan ako.
Ang kapal ng mukhang tumawag pero siya pala yung unang magbababa.
Iginugol ko na lamang ang mga oras sa pagbabasa ng libro. Kasi naman hindi pa ako inaantok!
Sinasabi ko na nga ba matagal na naman akong makakatulog nito kasi nakatulog ako kaninang hapon.
Sa gitna ng pagbabasa ay halos mapatalon ako sa pagkakaupo nang makarinig ng ingay mula sa balkonahe.
Tumayo ako at bahagyang lumapit roon ngunit walang tao di gaya ng inaasahan ko.
Napailing na lamang ako.
"Ano ba yan Zyriah isa ka ding siraulo eh."
Ba't ba inaasahan kong susulpot yung Zeth na yun dyan? Peste talaga. Nahihibang na talaga ako.
Ilang saglit pa'y napagdesisyunan kong bumaba sa kusina dahil nauuhaw na ako.
Doon ko naabutan si ate Sally na tawa ng tawa sa pinanonood niya at natigil lamang ng makita ako "Oh Ria.. May kailangan ka?"
"Kukuha lang po ako ng tubig... dyan lang kayo kaya ko na 'to." Natatawang ani ko kaya naman nakangiti siyang napatango bilang tugon.
Nang maibalik ko na ang pitsel sa ref ay iinom na sana ako ng tubig nang biglang umalingawngaw ang tunog ng doorbell.
BINABASA MO ANG
What He Wants
Teen FictionOne night she saw him murdered someone. The next day he became her new classmate. Manipulative, pathological liar, lack of remorse with an excessive self-worth are some words Zyriah Perez describes him---overall a psychopath. Zeth Carter is not your...