Psycho 14: Psycho Everywhere!

90 8 7
                                    

Chapter 14.

Psycho Everywhere!


Zyriah's POV

Dahan-dahang namulat ang aking mga mata dahil sa mga ingay na naririnig ko sa kapaligiran.

Hindi ako makapaniwala sa aking nasasaksihan...

Mga osong nagsasayawan at nag-aawitan sa gitna ng apoy. Well don't get me wrong mga tao silang naka damit na tila ba isang balat ng oso.

Hindi ko matukoy kung ilan ang eksaktong bilang nila basta't sa tansya ko ay di bababa sa sampu.

Iginala ko ang aking paningin at ngayon ko lang napagtanto na nakagapos pala ang aking mga kamay! Sinubukan kong igalaw ang mga ito ngunit mas lalo ko lang naramdaman ang hapdi dulot sa higpit ng pagkakatali.

"Z-zeth?" Tawag ko sa kanyang pangalan. Ngayon ko lang din napansin na nasa likod ko siya na katulad ko'y nakagapos din.

Hindi niya ko sinagot ngunit batid ko'y gising na siya at kapwa kami nakatalikod sa isa't-isa.

"Zeth kailangan nating makatakas dito... Naririnig mo ba ko?" Mahina kong sambit ngunit mas nainis lamang ako sa sagot niya.

"Anong oras na ba?"

Napakagat ako sa aking ibabang labi at muling bumulong "Lintek! Wala ka sa lugar para magtanong ng ganyan! Sabi ko kelangan nating----."

"Gising na sila!" Napaigtad ako ng sumigaw ang isa sa kanila na nasa mismong harapan ko.

Mas lalo pa kong nangamba ng ilapit niya sakin ang kanyang mukha at inamoy-amoy ako. Pagkatapos niyang gawin 'to napangiti siya ng pagkalaki dahilan para makita ko ang nangingitim niyang mga ngipin at gilagid.

Ilang segundo silang umalulong ng pagkalakas pagkatapos ay nakaupo silang nagtipon-tipon lahat sa paligid ng apoy at nakangiting nakaharap mismo samin.

Punyeta ang creepy.

"Magsitahimik muna ang lahat!" Rinig kong sigaw ng nag-iisang nakatayo sa kanila. Babae ito at tansya kong mga nasa mid 40's na ang kanyang edad.

"Wala munang gagalaw sa ating mga putahe ng hindi ko pa pinahihintulutan." Nakikita kong taimtim silang nakikinig sa babaeng ito.

Punyetang putahe yan. Kami ata tinutukoy ng mga siraulo 'to.

"Sisimulan natin ang piging ilang saglit pa pagkatapos ng ritual ng seremonya." Pagkatapos itong sabihin agad naghiyawan ang mga tao.

"Nasaan na yung kutsilyo mo?" Bulong ko kay Zeth ng makitang abala sa pagsasayaw at pagsasamba ng kung anong anito ang mga siraulong nasa paligid namin.

"They took it."

"Eh yung baril?"

"Tinatanong pa ba yan? Syempre kinuha din." May gana pa siyang mag sungit amp.

"Hindi ba mamamatay tao ka? Hindi mo ba sila kaya?" Napakagat ako sa aking labi ng may napagtanto "Oh sorry to offend you.. Kinakabahan na kasi talaga ko Zeth ayaw kong mamatay sa ganitong paraan... ayaw kong makain ng buhay!" Hindi niya ko sinagot.

Kung sabagay.. Ano nga bang laban ng isang siraulo sa dami ng mga siraulong nakapaligid samin ngayon?

"What time is it now?"

Punyeta. Mababaliw na ko dito. There's a psycho here beside me, psycho there and pycho everywhere!

"For the last time Zeth..." Ramdam ko ang panggigigil sa aking tinig "Manahimik ka kung yan lang naman ang lumalabas sa bibig mo! Kung nag-isip ka pa ng paraan para makaalis tayo dito that would be helpful pero hindi eh kanina ka pa tanong ng tanong sa lecheng oras ni hindi ko din makita sa wrist watch ko! Ano? Hinihintay mo bang ihawin nila tayo ha? Atat ka na bang matusta kaya ka nagtatanong ng oras?!" Ramdam kong umakyat na lahat ng dugo ko sa katawan at halo-halo na ang ekspresyon na aking nararamdaman, hindi ko na mabatid na para bang kinakabahan na ko na nagagalit na natatakot...

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon