RIELLE'S P.O.V
Pagkapasok ko nang bahay ay dumeretso ako sa kitchen at naabutan ko si Mommy na nagbibake na naman nang cookies.
"How's school baby?" nakangiting tanong nito habang patuloy sa ginagawa niya kaya naman umupo na ako sa may kitchen counter at nilagay ko ang bag ko sa katabi kong upuan.
"It was--I mean okay naman po" nag aalangan kong sabi dahil di ko alam kung dapat ko bang ikwento kay Mommy ang nangyari kanina sa amin ni Wayne. Should I tell her na boyfriend ko na si Wayne? Pero what if magtanong si mommy kung paano nangyari gayong parang kailan lang hindi parin ako pinapansin nito?
Abala ako sa iniisip ko nang biglang sumulpot si Nicolo na nakababata kong kapatid na lalaki mula sa may pool area namin. Pawis na pawis ito at may hawak na beach ball.
"Ate Chie!" agad itong lumapit sa akin, kaya naman tumayo ako para salubungin siya, yumakap naman ito agad sa may hita ko. "I miss you, laro tayo sa pool" yaya nito na nakangisi
"Nico, wag mo na munang yayain ang ate mo mag swimming at kalalabas niya pa lang nang hospital" suway ni mama sa kapatid ko na agad namang nagpasimangot rito
"Okay M'my, pero I saw someone kanina sa may gate with a really nice car. Siya ba boyfriend mo ate?" excited nitong tanong na nagpabilog sa mga mata ko. Nakita niya akong hinatid ni Wayne kanina?
"Shh--" suway ko kay Nicolo, tatakpan ko sana ang bibig niya gamit ang kamay ko pero nakatakbo ito agad papunta kay Mommy. Si Mommy naman ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
"May naghatid sayo iha? Sino? Si Gab ba?" nakasanayan kasi ni Mommy dati pa na most of the time kung hindi ako nasusundo ni Daddy or di ako nakakasabay kina Grace ay si Gab ang naghahatid sa akin. Dati pa nga sabi ni Mommy bakit di ko na lang daw ibalin ang atensyon ko rito.
Napaiwas ako nang tingin at umiling. Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at umupong muli. Lumapit naman si Mommy samantalang si Nicolo ay umupo na sa isa sa mga upuan sa kitchen counter at pinapapak na ang cookie na gawa ni Mommy.
"Then sino ang naghatid sayo?" pangungulit parin nito, alam kong di ako tatantanan ni Mommy hanggat di ko sinasabi. Napabuntong hininga ako bago sumagot.
"Si--Wayne po mommy" kinakabahan kong sabi, baka kasi magalit na naman siya dahil hanggang ngayon di ko parin tinatantanan ang kabaliwan ko sa lalaking yun. Pero wala akong narinig na kahit anong comment mula rito kaya napa angat ako nang tingin at nagsalubong ang mga mata namin, nakangiti ito.
"I'm happy for you baby, mukhang God's listening to your long time prayer na mapansin ka nang lalaking yan" kita ko sa mga mata niyang totoong masaya siya para sa akin "I just hope the next time he brings you home, pakilala mo siya sa amin nang maayos ha? Ayaw ko nung hinahatid ka at di man lang siya nagpapakita sa amin" napatango na lamang ako kay mommy at napangiti, umiwas na rin siya nang tingin at binalikan ang ginagawa niya.
"M'my, akyat na po muna ako sa room ko, maghahalf bath na po ako at magbibihis" tumayo na ako, bago pa man ako maka alis ay muling nagsalita si mommy.
"Bilisan mo anak ha? Kakain na rin tayo nang dinner around 6pm" paalala ni mommy, napatingin ako sa watch ko at nakita kong 5:15pm na kaya nagmadali na akong umakyat sa room ko.
Nilapag ko na ang bag ko sa kama at binuksan ko na ang cabinet para makahanap nang pamalit na damit nang biglang tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko ito, nakita kong may isang text sa isang unknown number.
From: 0919*******
Be early, I'll see you tomorrow.
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung kanino ito galing. Sino naman kaya itong nagtetext na ito, baka na wrong send lang kaya naman naghanap ako ulit nang pamalit. Nang makahanap na ako ay agad na akong pumasok sa banyo para mag half bath.
BINABASA MO ANG
Forever Fated with you [COMPLETED]
RomanceRielle Gonzales ay isang simpleng babae, she lives a simple and happy life. She lives her life like it was her last, ayaw niya kasing magkaroon ng regrets kapag hindi niya magagawa ang lahat ng nasa bucket list niya. Malapit niya na nga itong matapo...
![Forever Fated with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/28852847-64-k125741.jpg)