CIELO'S P.O.V
Maaga akong nagising dahil naalala ko yung PT Test na binili naming. Agad akong lumabas at kinuha yun saka ako pumunta na nang banyo. Sinunod ko yung instruction at habang hinihintay ang resulta ay naligo na rin ako.
Nang matapos akong maligo ay tiningnan ko ang dalawang PT Test at ganoon na lamang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong parehong may dalawang linya ang mga ito. Napatili ako sa saya dahil kahit papaano nakakita ako nang pag asa na pwedeng magbuklod sa amin ni Wayne.
Biglang may kumatok galing sa labas nang pinto nang C.R.
"Baby? Are you okay?" alala nitong tanong na patuloy parin sa pagkatok. Kaya naman Sinuot ko na ang robe ko, nilagay ko muna sa bulsa nito ang PT Test. I'll surprise him after I'm done talking with my parents. I'll tell him everything.
Binuksan ko na agad ang pinto bago pa masira ni Wayne ito.
"Yes baby?" nakangiti kong tanong nakakunot noo ito "Sumigaw ka kaya akala ko kung napaano ka na" alala nitong sambit "Ahh..muntikan kasi akong nadulas kaya ganoon" paliwanag ko.
"What?!" gulat nitong tanong at agad na lumapit sa akin "Mag iingat ka naman baby" pangaral nito "Opo. Sorry" hinging paumanhin ko na lamang.
"Ang aga mo naman atang naligo? Maaga pa ang alis niyo ni Tito? Susunduin k aba niya?" dere-deretso nitong tanong. Kaya tuluyan na akong lumabas nang C.R dahil medyo nilalamig na rin ako gawa nang hindi pa nito napapatay ang aircon.
"Isa-isa lang po ang tanong. Maaga kami aalis and hindi niya na ako susunduin magkikita na lamang kami doon" paliwanag ko, dumeretso na ako sa walk in closet, sumunod naman ito kaya nilingon ko na. "Oops. Diyan ka na muna. Baka mamaya pag sumunod ka pa ditto may iba pang mangyayari" nakangiti kong sabi saka ko sinara sa harapan niya ang sliding door.
"Mas maganda nga yun baby di ba? Para mabuntis na kita tapos pakasal na tayo agad!" sigaw parin nito mula sa labas. Natatawa ako nang mahina dahil wais din talaga ang lalaking ito. Hindi niya lang alam di na kailangan dahil nagbunga na nga e. "Pero baby, hatid na lang kita tapos saka kami babiyahe papuntang farm" rinig kong sabi nito, napabuntong hininga na naman ako. Makulit din kasi ang isang ito e.
Kaya bahagya kong binuksan ang sliding door at nilabas doon ang ulo ko.
"Baby, kailangan mong turuan tong girlfriend mong maging independent. At isa pa sana'y po akong mag isa dahil—" natigilan ako dahil sasabihin ko sanang medyo tumagal ako sa states. E ang alam niyo halos doon ako lumaki. "Dahil?" curious nitong tanong na nilapit ang mukha sa akin. "Dahil halos sa states ako lumaki hindi ba?" agad kong sagot na ikina pout niya. Mabilis niya akong hinalikan sa labi na agad ko namang tinugon pero bago pa man mapunta sa kung saan ang halikan naming ay marahan ko na siyang tinulak. "Baby nilalamig na ako. Magbibihis na muna ako" nakangiti kong sabi bago ko muling sinara ang sliding door.
Nang matapos na akong magbihis at ayusin ang buhok ko ay agad na rin akong lumabas. Pagkalabas ko sa room ay wala na doon si Wayne, kaya naman lumabas ako nang room.
"Baby?" tawag ko sa kanya, pero walang nasagot. Dumeretso ako sa may sala at nakita ko siya doon sa may glass window at parang may kausap, mukhang naramdaman niya ang presensya ko ay nilingon niya ako. "Sige na bilisan niyo na" natatawa niyang sambit mukhang sila Dave ang kausap nito bago nito tuluyang binaba ang tawag at lumapit sa akin. Napansin kong nakaligo na rin ito at nakabihis.
Pagkalapit niya sa akin ay agad niya akong hinawakan sa magkabilang bewang at hinalikan ako sa noo.
"Hatid na kita baby" pangungulit parin nito kaya napailing-iling ako. Pinulupot ko samay leeg niya ang magkabilang braso ko. "Ang kulit mo rin baby. Wag na okay? Hintayin mo na lang sila Dave. Susunod ako agad promise" nakangiti kong sabi pero nakasimangot parin ito. "Ngumiti ka na baby kasi may surprise ako sa'yo pag natapos na naming ni tito Dee itong aasikasuhin naming" napakunot ang noo niya "Anong surprise yan?" pangungulit nito "Basta" agad kong sabi, hinalikan ko na siya sa labi nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Forever Fated with you [COMPLETED]
RomanceRielle Gonzales ay isang simpleng babae, she lives a simple and happy life. She lives her life like it was her last, ayaw niya kasing magkaroon ng regrets kapag hindi niya magagawa ang lahat ng nasa bucket list niya. Malapit niya na nga itong matapo...
![Forever Fated with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/28852847-64-k125741.jpg)