CIELO'S P.O.V
"Maraming Salamat po sa lahat nang pumunta ngayong gabi!" nakangiting sabi ni Wayne sa kanila "Syempre gusto niyo pa ba?" biglang tanong niya at tinapat ang mic sa audience
"More! We love Infinity and Cielo! We love Wayncie!" sigawan nang mga fans sabay baliktad nang naglalakihang placards na halos pumuno nang lower box kaya kitang-kita naming ang isa din sa paborito kong photo kasama ang Infinity Band. Nasa right side ni Wayne sila Caleb and Sam habang nasa kaliwa ko naman sila Gab at Dave tapos kami ni Wayne sa gitna. Nakayakap siya mula sa likuran ko.
"We love you too!" sigaw ko naman pabalik, lumingon si Wayne sa akin nang nakangiti. "Ano yun Cielo? You love me?" pabiro ang tanong nito kaya alam kong gusto niya lang pakiligin ang fans pero napatalon din ang puso ko dahil baka mamaya biglang ipagsigawan niya ritong kami na. Sa tinanong niya ay nagwala ang audience.
"Wooohhh! Mag I love you na kayo! Wayncie! Wayncie! Wayncie!" kung di mo lang alam na concert to aakalin mong may welga e. Mag rereact n asana ako nang biglang lumapit sila Gab sa amin.
"Sus! Para-paraan talaga 'to si tol Wayne oh. Dinadaan ka sa maraming audience Ms. Cielo" pabirong sabi ni Caleb habang nakangisi ditto sa tabi ko. "Naku! Agree ako sa'yo diyan Caleb" sang ayon ko naman.
"Pero yun talaga rinig ko e. Tama naman ako di ba?" balik niya na namang tanong sa audience. "OO!" sigaw din nang mga fans kaya napangiti na lang ako at nap ailing-iling.
"Tama na yan, naiinggit na ako" reklamo ni Gab na parang bata. "Akin ka na lang Gab!" may mga sumigaw na mga babaeng fans na ikinangiti ni Gab at medyo lumapit sa may dulo nang stage. "Sa inyo naman talaga ang puso ko" sabay tap sa may dibdib niya at nag flying kiss. Parang sira talaga.
"Teka isa pa to si Gab e. Dapat ang gawin natin papiliin natin si Cielo kung sino ang pinaka gwapo sa atin" suggestion ni Dave na agad namang binara ni Sam "Oops bro wait lang—hindi fair. Lugi tayo, syempre papabor kay bro Wayne yun" seryosong sabi ni Sam
"Oo nga naman bro—mas maganda kung ang audience na lamang ang tanungin natin!" nakangising sabi ni Caleb
"We love you Caleb" sigaw naman nang iilang girls para kay Caleb "Love you too pretty ladies" reply pa nang mokong na nakiki share lang naman sa mic ko"
"Okay game. Tanungin natin sila" confident pang sabi ni Wayne sabay kindat sa akin. Na napansin agad nang audience dahil naka focus pala ang isang cam kay Wayne na siyang ikinatili na naman nila.
"Sige. Palakasan nang sigaw at palakpakan" sabi ni Dave. Umabante silang lima sa gitna habang ako naman e pasimpleng pumunta sa may drums kung nasaan banda nakalapag ang bottled water ko. Pagkatapos ay bumalik ako sa gitna at nagpasyang maging host for the night.
"Okay girls are you ready? Let's first call in Dave!" sigaw ko. Nag ala model naman ito sa paglakad sa harapan at nagtilian na agad ang mga girls at pumalakpak ang iilang audience. "In fairness may laban" sabi ko pa. "Next. Let's call in Sam" si Sam naman parang sira nag ala macho dancer papunta sa gitna. Nagtilian ulit ang audience. "Ano masasabi niyo girls?" tanong ko sa audience. "Ang Hot!" may ilang sumigaw. "O tama na. Sunod naman. Tawagin natin si—" nag reready na si Caleb na umabante dahil akala niya siya na dahil usually after Sam siya talaga tinatawag pero binago ko bigla. "Gab!" Natigilan si Caleb na ikinatawa naman nang audience dahil nakayuko pa siya kanina at naka posisyon na parang yung naka starting position pag may contest sa takbuhan. "Hoy Cielo ano yan?" reklamo nito mabuti na lang wala siyang mic. Kaya napangiti lalo si Gab na mas lalong nagpatili sa audience dahil yun talaga ang lakas niya e. Yung pag ngiti na halos di na makita ang mata.
BINABASA MO ANG
Forever Fated with you [COMPLETED]
RomanceRielle Gonzales ay isang simpleng babae, she lives a simple and happy life. She lives her life like it was her last, ayaw niya kasing magkaroon ng regrets kapag hindi niya magagawa ang lahat ng nasa bucket list niya. Malapit niya na nga itong matapo...
![Forever Fated with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/28852847-64-k125741.jpg)