FFWY 22- Heartbeat

501 16 6
                                        

CIELO'S P.O.V

It's been a week since that incident happened with Wayne. And hindi lang iisang beses na napagalitan ako ni Tito Dee ang manager ko.

"I'm reminding you again Cielo—" di ko na siya hinayaang matapos pang magsalita dahil alam ko na naman kung tungkol saan ang sasabihin niya.

"Hindi ko pwedeng sabihin kay Nick kung saan gagawin ang Music Video shoot namin ni Wayne para sa first collaboration project" dugtong ko sa sasabihin niya

"Good. Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo" suplado nitong sabi habang umaayos nang upo at sinuot na muli ang shades niya. Papunta na kasi kami ngayon sa venue nang shoot. Pero mag iisang oras na kaming bumabiyahe and still di ko naman alam kung san kami papunta.

"Pero come to think of it tito. Wala naman talaga akong masasagot kay Nick kung saan tayo pupunta kasi po hindi niyo naman po talaga sinabi sa akin kung saan tayo papunta ngayon. Saan ba kasi ang venuse Tito?" pangungulit ko parin

"Basta, mabuti na yung ganito. It's a good thing at hindi nauwi sa suntukan ang pangyayari Cielo. Kasi pag nagkataong nagkapasa si Wayne from that incident naku ewan ko na lang" namomroblema nitong sabi

"Deserve niya namang magkapasa if nagkataon—" pabulong kong sabi kasabay nang pagbalin ko sa tanawin sa labas nang sasakyan.

"Anong sabi mo Cielo?" biglang tanong nito, di ko na siya hinarap at sa halip ay nagsalita na lamang "Wala po" maiksi kong tugon

"I'm just wondering—kasi I heard from the staff nan aka witness nang pangyayari. Parang lumalabas na boyfriend mo si Nick which is ang sabi mo sa akin hindi naman. Ano ba talaga ang totoo ha?" pangungulit pa nito.

"Hindi naman talaga tito. Ewan ko ng aba dun ba't biglang inangkin akong girlfriend niya" balewalang sabi ko

"Naku ha? Nanliligaw pa lang pero kung makabakod sayo grabe. Pagsabihan mo yan, dahil pag ako hindi nakapagpigil di na siya pwedeng umaligid sayo habang nagtatrabago ka" pangaral sa akin ni Tito

"Pinagsabihan ko nap o, humingi na rin naman siya nang dispensa. Nabigla lamang daw siya sa mga pangyayari" paliwanag ko naman

"O siya. Ikaw na bahala dun. You can still sleep medyo malayo pa tayo" di na ako umimik pa at ipinikit na lamang ang mga mata ko.

WAYNE'S P.O.V

"What time ba talaga sila darating ha Venus?" pangungulit ko rito "Yanie! Isa—kanina ka pa ha? Ilang beses ko nang sinagot yang tanong mo!" halatang inis na talaga ito dahil nickname ko na ang tinawag niya sa akin which bihira niya lamang gamitin. Usually ang tumatawag sa akin nang Yanie ay ang pinsan kong si Clara o si Mananay.

"E kasi naman e—ang aga-aga mo kong ginising sabi mo baka mauna pa sila dito at nakakahiya naman. Look at the time Venus! It's already 4pm at wala pa sila" inis ko namang tugon. Paano ba naman kasi 6am pa lang nandito na kami sa Venue. Isipin niyo na lang kung anong oras kami binulabog ni Venus e gumimik ako kagabi kasama sila Gab at may mga hang over pa kami.

"Gusto mo bang bawiin ko yung favor na hiningi mo?" natigilan naman ako. Paano naman kasi nakiusap ako sa kanya na kung pwede sa duration na magkakatrabaho kami nia Cielo ay ayaw kong makita ni anino nang Nick na yun.

"Chill ka lang kasi dude. Makikita mo rin si Anne mamaya" biglang sambit ni Caleb na nakapikit pa rin ang mata habang naka angat pa ang dalawang paa sa may sofa.

"Excuse me boys. Pero pina check ko na at malayong maging si Anne si Cielo kaya pwedeng tantanan niyo na yang pagdududa niyo?" pangaral ni Venus sa amin.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon