FFWY 21- Infinity Puzzle

441 19 8
                                    


WAYNE'S P.O.V

Di ako mapakali at di ko naabutan sila Cielo, but I know tonight di pwedeng di ko sya makausap. Di pwedeng makita ko ang mukha niya behind that mask. I feel something amiss about her. I'm really curious, ngayon lang ako ulit nagging ganito ka curious about sa isang tao. The last time I did feel the same way was with Anne.

I'm also excited for the album launching tonight dahil finally makikita ko nang muli ang mga bros ko. Kaya nga binilisan ko na ang pagsagot sa mga katanungan nila sa press conference para tapos na kaagad. Pinagpalit lang ako nang stylist ko nang bagong set ng damit bago kami muling bumiyahe papunta sa MG Mall kung saan gaganapin ang album launching and first reunion gig naming nang Infinity Band.

"Are you ready?" nakangiting tanong sa akin ni Venus

"Yeah, but then—have you talked with them? I mean—are they really coming?" nagdadalawang isip kong tanong.

"Of course, they are actually excited to see you" masayang sagot nito sa akin.

"Really? All of them?" paninigurado kong tanong na agad namang kinatango ni Venus. "Don't worry too much. They're your friends, ikaw lang naman tong lumayo sa kanila e" paalala nito sa akin.

Sabagay may point nga naman siya. Kung alalahanin ko talaga kung anong nangyari sa nakaraan, I actually can say na kasalanan ko naman talaga. I cut my ties with all of them kasi nga I blamed myself for what happened to her. And I can't accept the fact that I lost her so soon.

Di nagtagal ay nakarating na kami sa venue. Sinalubong kami ni Michelle na may hawak na walkie talkie at may kasamang mga security.

"It's a good thing at dumating na kayo, we can start already" salubong sa amin ni Michelle.

Agad na akong bumaba habang nag uusap pa sila ni Venus, sinalubong naman ako ng malakas na sigawan ng mga taong naroon. Natigilan ako dahil grabe, puno ang venue kahit na medyo umaambon at gabi na. Nagsimula na akong maglakad at agad naman akong pinalibutan ng mga security men.

"Wayne! We love you!" sigaw ng ilan, meron namang "Ang gwapo mo Wayne! Akin ka na lang!" napangiti ako, I mean sanay naman na ako sa mga nagsisigawang fans dahil ganoon din naman noong nasa London pa ako. Pero kasi iba parin pag kapwa mo pinoy ang sumisigaw ng pangalan mo. Yun bang kahit papaano you feel like you're making them proud.

Nang mas malapit na kami sa stage ay mas lalong lumakas ang sigawan.

"Si Wayne! Ayan na siya!" patuloy na sigaw nang ilan pang fans. Kumaway ako sandali sa kanila na mas lalong nagpalakas sa sigawan nila bago ako pumasok sa tent na sinet-up nang TZ para sa amin.

Pagkapasok ko doon ay nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin.

"Namiss kita bro" kunwaring umiiyak na boses nang sobrang familiar sa akin. Kaya nilayo ko muna ito para tingnan at tama nga ako. Ang loko-lokong si Caleb nga. "Ang emo mo bro" sabay tap ko sa balikat niya pero mas lalo niya akong niyakap na ikinangiti ko na lamang. "Sali ako sa yakapan na yan!" sigaw naman ni Sam na sumalo sa yakapan naming.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Dave na nakangiting nakatingin sa amin. At sa kabilang sulok naman nakita ko si Gab na nakapamulsang nakatingin sa amin. Napansin niyang napatingin ako sa kanya, tinanguan niya ako at bahagyang ngumiti.

"Teka boys! Magsi kalma nga kayo! Para kayong mga di lalaki. Lumayo-layo muna kayo bahagya kay Wayne. Mamaya makatikim kayo sa stylist niyan pag nagusot ang damit" pagtataray ni Venus sa kanila. Nabalin naman sa kanya ang atensyon nila Sam at Caleb.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon