FFWY 27 - Lucky!

415 20 5
                                    


CIELO'S P.O.V

"Miss Cielo, kailangan na po nating pumunta sa venue tumawag na si Tito Dee" sabi nang bagong PA nan aka assign sa akin na si Ayen.

"Let's go" sambit ko na lamang pagkatapos kong suotin ang shades ko. Di kasi ako sigurado if di na ba halatang umiyak ako kanina buti na lang medyo na delayed since medyo dumami daw ang tao sa area kung saan kami magshoshoot.

Di rin naman nagtagal ay dumating rin kami sa area at aminin ko man o hindi ay agad hinanap nang mga mata ko ang isang taong dapat ay iniiwasan ko. Mabilis ko naman siyang nakita at naging mabilis rin ang pag iwas ko nang tingin dahil the moment I saw him alam kong nakatingin rin siya sa akin kahit na naka shades siya. At di lang yun bakit parang biglang ang daming fans na nakapasok sa beach at mukhang mga fan girls niya dahil sumigaw agad ang mga ito nang biglang ngumiti nang malapad ang mokong.

Kasama niya ang mga kabanda niya at mukhang may pinag uusapan silang masaya dahil nakangiti siya kahit na nasa akin ang atensyon niya. Mabilis akong umupo malapit kay Tito Dee na panay parin ang tipa sa cellphone niya. Mukhang may pinagkaka abalahan na naman ito, it's either my schedule or may bagong chikang nasagap. Pero di rin nagtagal at mukhang natapos na siya sa kung ano man ang pinagkaka abalahan niya sa phone niya dahil hinarap niya na ako. Which is mabuti na lang dahil pakiramdam ko any minute ay gusto ko nang tumayo at bumalik na lamang sa hotel room ko dahil alam kong tinititigan na naman ako ni Wayne.

"Mabuti naman at nagkabati na kayo ni Wayne" bungad na sabi ni Tito Dee sa akin. Gusto sanang tumaas nang isa kong kilay pero pinigilan ko na lamang at ngumiti. "Sabagay, sino ba naman ang di magbabati sa effort na ginawa ni Wayne kanina. My gosh Cielo nakakakilig pala talaga yang si Wayne at mukhang very romantic" masaya pa nitong dagdag

Nakita ko naman from my peripheral vision na tumayo si Wayne at mukhang papunta sa amin kaya naman ang puso ko ay nagsisimula na namang bumilis ang tibok. Di ko alam kung sa kaba o sa anticipation na lalapitan niya ako. Dumagdag pa ang tilian nang mga fans, lalo pang lumakas ang sigawan nang lingunin niya ang mga ito at ngumiti.

"O ayan na ang masugid mong manliligaw. Kanina nga lang kayo nangkita pero mukhang namiss ka kaagad" natatawang sabi ni Tito Dee at agad na tumayo kaya napahawak ako sa braso niya. "Where are you going tito?"

"Kakausapin ko lang si Direk kung until what time ang shooting niyo today" paalam nito "H—ha? Mamaya mon a tanungin tito—" pigil ko sa kanya na ikinataas nang kilay niya. "Iha, okay lang kiligin wala namang masama" nakangiti niyang sabi sabay alis nang kamay ko sa may braso niya. "It's much sweeter after nang pagbabati kaya I'll leave you two alone baka mainggit lang ako" masaya nitong sambit bago tuluyang umalis kaya umayos na lamang ako nang upo at napa cross arms and legs nang umupo na si Wayne sa kaninang inuupan ni Tito Dee.

"Hindi bagay sayo ang nakasimangot—mas lalo kang nagiging ka akit-akit" napalingon ako sa sinabi niya dahil sasawayin ko sana siya pero nagulat ako nang magdikit ang labi naming dalawa kaya nanlaki ang mga mata ko at agad na napalayo. I immediately saw him smirked widely. "I didn't know na ganoon mo pala ako kagustong halikan. Kung sinabi mo lang agad I would have kissed you kanina pa" kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata niya na ngayon ay kitang-kita ko dahil inalis na nito sang shades niya. At sa nangyari malakas na sigawan ang ginawa nang mga fans at alam kong napatingin na rin ang ibang staff at baka nga pati sila Tito Dee sa gawi naming dahil sa ingay.

"Kapal mo!" inis kong sambit at balak ko sana siyang sampalin pero nahawakan niya ang kamay ko at tumawa lamang siya na lalo kong ikinainis dahil kahit pigil na tawa at kahit na naiinis ako di ko maitangging gwapo talaga siya. "Wag ka na magalit, di ko naman inakalang lilingon ka e kaya naman mas linapit ko na ang mukha ko para matitigan kita. Ang sarap mo kasi sa mata, mas maganda ka pa kesa sa buong islang ito" sincere niya namang sabi pero naiinis parin ako dapat nga sinampal ko na agad siya e. "And tigilan mo na ang kasasampal sakin baby, baka isipin nang fans natin under ako sa'yo" biro niyang sabi

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon