A/N:
RATED SPG
Some scenes may not be suitable for young audiences to read. Please read at your own risk.
CIELO'S P.O.V
"Nick—" di ko natapos ang sasabihin ko dahil agad niya na ako hinila palayo doon pero di pa kami nakakalayo nang may humawak rin sa kabilang kamay ko.
"Di sasama si Cielo sa'yo!" galit na sambit ni Wayne habang matalim na nakatitig kay Nick at mas hinila ako kaya halos mapayakap ako papunta sa kanya at nabitawan ni Nick ang kamay kong hawak niya.
"She's coming with me" akmang lalapit muli si Nick para kunin ako pero humarang si Wayne sa daraanan ni Nick. "Di mangyayari yan hangga't nandito ako" balik namang sagot ni Wayne.
"Wayne!" napasigaw ako dahil nakita kong susuntukin na naman siya ni Nick mabuti na lang at naka ilag si Wayne. Pero ganoon na lamang ang kaba ko nang bumawi si Wayne at siya naman ang sumuntok kay Nick at tinamaan rin ito sa pisngi. "Ano ba kayo? Teka—" sinubukan kong lumapit para pigilan sila pero hinarang ni Wayne ang isang kamay niya at nagsalita habang nakatingin parin kay Nick. "Diyan ka lang baby" natigilan ako sa sinabi niya at nakita ko na namang sinugod nila ang isa't-isa.
"You have no right to decide for Cielo!" sigaw ni Nick kay Wayne habang hawak nila ang kanilang mga braso parang nagmumukhang sinasakal na nila ang isa't-isa. "Mayroon akong karapatan dahil si Cielo ay girlfriend ko!" agad namang sigaw ni Wayne rito.
Nakita kong natigilan si Nick kaya nang tinulak siya palayo ni Wayne ay halos matumba siya sa sahig habang napapa iling ang ulo.
"That's not true. May usapan kami ni Cielo—I mean—" hinarap ako ni Wayne at akmang lalapitan akong muli pero humarang agad si Wayne. "Get out of the way Wayne!" galit na sambit ni Nick
"Not gonna happen" seryoso naming tugon ni Wayne. Akmang magsusuntukan na naman sila kaya agad na akong pumagitna sa dalawa. "Please stop this—it's not worth it that you guys would hurt each other because of me" naiiyak kong sabi
"Baby—" lalapit sana si Wayne sa akin pero tinaas ko ang isa kong kamay na parang nagbigay babala na wag siyang lumapit ganoon din kay Nick. "You guys stay where you are" sabi ko sa kanilang dalawa.
Hinarap ko si Nick at kitang-kita ko ang lungkot, kalituhan at hurt sa mga mata niya habang nakatingin siya sa akin ngayon.
"I thought you're giving me a chance as well Cielo? Then what's this?" may pagdaramdam nitong sabi, napakagat labi ako dahil pinipigilan kong umiyak nang tuluyan. Dahil may punto si Nick, kagabi lamang nang mag usap kami ay binigyan ko siya nang pagkakataon. Pero heto na ako ngayon at nagdesisyong ibigay muli ang puso ko sa taong akala kong nanakit sa akin noon habang nasasaktan ko naman ang taong nanatili sa tabi ko sa mga panahong wala akong maaalala at nasasaktan sa mga nangyari.
"We'll talk..." tanging nasabi ko sa kanya bago ko binalingan si Wayne. "Wayne, pwede bang iwan mo na muna kaming dalawa ni Nick? We'll just see each other tomorrow" pakiusap ko rito, nakita kong natigilan ito sa desisyong ginagawa ko. Napaiwas ito nang tingin at kita ko ang pagtiim bagang niya bago ako muling hinarap.
"You chose him the first time na nagtagpo ang landas nating tatlo, and you're making the same decision again—" di ko na siya pinatapos dahil hindi naman porke't pinili kong umalis siya ay pinipili ko na si Nick. Dahil mula nang magdesisyon akong ipagkaloob ang sarili ko sa kanya, alam kong siya na talaga at wala nang iba. "It's not like that Wayne—I just—Nick and I needs to talk" marahan kong sambit akala ko papayag na siya pero naglakad ito palapit sa akin at nilahad ang isang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Forever Fated with you [COMPLETED]
RomanceRielle Gonzales ay isang simpleng babae, she lives a simple and happy life. She lives her life like it was her last, ayaw niya kasing magkaroon ng regrets kapag hindi niya magagawa ang lahat ng nasa bucket list niya. Malapit niya na nga itong matapo...
![Forever Fated with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/28852847-64-k125741.jpg)