FFWY 25 - A glimpse from the Past

389 16 5
                                    



A/N: This is dedicated to @tintin0324 and @muchiechang dahil sa walang sawa niyong pag abang nang updates nang story ni Wayne :)

CIELO'S P.O.V

"Just give me a chance. Give me a chance na manligaw sa'yo then if you feel the like what I feel after everything. Let's make it real. Be my girlfriend—and I'm sure it'll happen 'cause like what I told you. I don't take no for an answer" seryoso nitong sabi

I know that he's sincere pero kasi I want to be cautious about it. It's not easy to just agree with him and let my heart be out into the open 'cause I know eventually at the end of the day kapag sumang ayon ako sa gusto niya kahit pa sabihin kong I won't invest too much—I know I would still get hurt. Pero kahit naman di ako sumang ayon I know, di niya rin ako tatantanan.

Di na lamang ako umimik at umiwas ako nang tingin but I still see him from my peripheral vision and I know he was about to say something again nang muling pumasok ang waiter sa room. Kaya nakahinga ako nang maluwag, di rin naman ito nagtagal nang mailagay niya na lahat nang orders naming. Kaya bago pa siya muling makapag comment sa nanuna niyang sinabi ay nauna na akong nagsalitang muli.

"Let's eat, I'm starving already" nakangiti kong sabi sabay kuha sa spoon and fork ko. Kukuha na sana ako nang shrimp and crabs nang magsalita siyang muli. "Wait babe" two words yet my heart reacted wildly upon hearing him call me babe. Hanggang ngayon nagwawala parin ang puso ko sa simpleng salitang yan. Kaya natigilan ako at napatingin na lamang sa kanya habang kumukuha siya nang iilang shrimp at nang isang part nang carbs since sobrang laki nito.

Binalatan niya ang mga shrimps at ginamitan naman niya nang parang maliit na martilyo ang crab saka kinuha ang laman nito. Nilagay niya sa tabi nang plate ang mga balat pati shells nang crab saka siya tumayo at lumapit sa akin. Kinuha niya ang plate ko at nilagay ang plate niyang may nabalatan nang shrimp at may laman na nang crab.

"Ayaw kong mapagod ka pa. I just want you to enjoy the food" nakangiti niyang sabi, kaya eto ako nakatingin lang sa kanya hanggang sa makaupo na siyang muli sa upuan niya. What the hell is happening? Bakit parang mas gumagwapo siya sa paningin ko? Nakita kong napa chuckle siya habang nagbabalat na siya nang shrimp para sa kanya. "Eat it already babe" sa pagkakasabi niya nun ay agad akong umiwas nang tingin at kumain. "Thank—thank you" nabubulol-bulol ko pang sabi. Halos nakayuko lang ako the entire time habang kumakain pero maya-maya tuwing paubos ko na yung shrimp at crab ay dinadagdagan niya ang plate ko kaya naman napatingin na ako sa kanya na abala sa pagbabalat nang bagong set nang shrimps and crab para siguro ilalagay na naman sa plate ko kaya di na ako nakatiis at nagsalita.

"Balak mo ba akong patayin sa kabusugan Wayne?" nagtataka kong tanong, pakiramdam ko sasabog na ang tiyan ko. I'm so full, pero in fairness masarap kasi talaga ang pagkakaluto sa shrimps and crabs e. Tumawa naman ito nang bahagya habang hinuhuli niya ang mga mata ko kaya sa huli napatingin ako sa mga mata niyan malalim ang titig sa akin. "No, I'm not planning to kill you sa kabusugan" napangiti ako at agad nagsalita "Buti naman ka—" agad-agad siyang muling nagsalita "But I'm planning to melt your heart in any way I can kaya brace yourself well babe" kumindat pa ang mokong habang ako eto literally dropped jaw.

"Don't open your mouth wide babe, 'cause it feels like you're inviting me to kiss you" agad-agad ko namang sinara ang bunganga ko na ikinangiti niya naman agad "Very good" ako eto di mapakali samantalang siya parang wala lang nangyari at kumakain parin. Maya-maya lang napatingin siya sa akin kaya umiwas ako agad nang tingin at uminom na lamang nang cola. "You full already?" tumango-tango na lamang ako habang kunwaring ineenjoy ang inumin ko. Pakiramdam ko kasi pag tumingin pa ako sa kanya baka sumabog na ang dibdib ko sa pinagsasasabi niya. Napahawak ako sa may kaliwang dibdib ko dahil talagang ang bilis nang kabog nang puso ko.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon