CIELO'S P.O.V
Di maalis ang ngiti sa labi ko habang papunta kaming ASAP dahil sa pinadalang mga bulaklak ni Wayne kaya naman di na ako nakatiis at tinawagan ko na siya.
"Hi baby" malambing niyang bati nang sinagot niya ang tawag ko.
"Thank you for the flowers baby" nakangiti kong sabi pero pabulong lang dahil katabi ko sila tito Dee at Ate Agnes.
"What's that baby? Ba't parang bumubulong ka?" nagtataka nitong tanong
"Nasa sasakyan pa kasi kami we're on our way na for asap. Where are you now?" curious kong tanong
"I'm already here, may prod kasi ako with the Infinity band kaya maaga kami para daw pagdating mo yung sa atin naman ang irerehearse ko" paliwanag niya, magtatanong pa sana ako nang marinig kong tinatawag na siya.
"Wayne, hanap ka na ni direk" rinig kong sigaw nang isang staff "Susunod na ako" rinig kong tugon niya medyo mahina baka nilayo niya nang bahagya ang phone niya. "Baby, I'll see you later. Tinatawag na nila ako"
"Sige na, I'll see you later" paalam ko, ibababa ko na sana nang may sinabi pa siya. "Baby, 545" napakunot noo ako sa sinabi niya. Magtatanong pa sana ako anong ibig sabihin nun pero wala na naibaba niya na.
Pero di ako mapakali kya nilingon ko si Japh baka sakaling alam niya.
"Japh, what is 545?" curious kong tanong
"545?" naguguluhan din nitong tanong "Baka naman 555 at hindi 545. Brand nang sardinas yun dito sa Pilipinas Cielo" balewala niyang tugon sa akin. Pero sigurado ako at dinig na dinig ko ang pagkakasabi ni Wayne nang 545. "Di nga Japh?"
"E sino ba kasi nagsabi nang 545 and ano ba pagkakasabi?" nakatingin na nitong tanong sa akin. Nahihiya naman akong sabihin ang buong sinabi ni Wayne dahil siguradong magtatanong na sila nang paulit-ulit kung ano na ba talaga ang status namin ni Wayne kaya naman umupo na lmang ako nang maayos. " Di bale na nga lang. Mali lang siguro talaga ako nang dinig" tugon ko na lamang dito. Mabuti na lng di na rin nangulit si Japh sa akin.
================
Di nagtagal ay nakarating na rin naman kami sa ABS. Dumeretso na muna kami sa studio nang ASAP dahil nagsisimula na daw ang rehearsal. Pagkarating ko doon ay napapatingin ako sa paligid, ang daming artista ang nandoon na dati rati'y ay napapanood ko lamang sa t.v. Tumabi sa akin si Japh na kinikilig habang naka abrisete sa akin.
"Ms. Cieloooo!! Ang daming papables dito!" parang naiihi pa ito sa kilig. Natawa na ang ako sa ginawi nito habang payuloy parin sa paghahanap sa paligid kay Wayne.
Tumitingin ako sa paligid nang muling magsalita si Japh.
"Ay oh ang future jowa mo girl pinapalibutan nang mga lintaers" mataray na sabi ni Japh habang ngumunguso kaya sinundan ko ang direksyon na tinuturo nang nguso niya at nakita ko nga si Wayne na seryoso ang mukha at naka lean sa may side habang nakapamulsa at napaptingin din sa paligid habang chumichika yung mga babae sa harapan niya.
Pahakbang na sana ako pero naunahan pa ako ni Japh na gunalaw dahil hinila niya na ako agad papunta doon.
"Excuse me lang po...dadaan ang future jowa ni Wayne!" mataray na sabi ni Japh sabay hawi sa mga babaeng nandoon. Nakita kong napataas ang kilay nang mga babae doon na mga artista din pero hindi pa nga lang masyadong nabibigyan nang break.
Nagkatinginan kami ni Wayne habang abala pa si Japh sa pakikipagtarayan sa mga girls doon. Ngumiti siya nang makita ako kaya agad na akong humakbang palapit sa kanya at niyakap ko siya mula sa side, hinalikan niya naman ako sa may ulo ko at niyakap pabalik.
BINABASA MO ANG
Forever Fated with you [COMPLETED]
RomanceRielle Gonzales ay isang simpleng babae, she lives a simple and happy life. She lives her life like it was her last, ayaw niya kasing magkaroon ng regrets kapag hindi niya magagawa ang lahat ng nasa bucket list niya. Malapit niya na nga itong matapo...
![Forever Fated with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/28852847-64-k125741.jpg)