FFWY 32 - Truth behind the Past

417 15 4
                                    

CIELO'S P.O.V

"It was all a misunderstanding that started with a lie"

"What do you mean?" nalilito kong tanong

"You see our love story is not your typical love story na nagsimula sa ligawan hanggang sa maging kayo. Ours was a bit different and modernize. I just kissed her and that's it. I claimed her as my girlfriend in front of all our schoolmates and theater club mates" nakangiti nitong kwento

"At first I ignored her and despite that fact she kept on doing things para lang mapansin ko siya. Little things that made me more annoyed with her. You see—" umupo siya nang maayos bago muling nagsalita "I already know her way back high school when we had a mall show then. Kakasimula pa lang makilala nang Infinity Band noon at pinagkakaguluhan kami nang mga teens. And that time I'm not the type of guy who loves attention, I prefer to be alone. So, I decided to sneak out wearing a hoodie. Pumunta akong book store para sana ibili si Mommy nang librong tungkol sa pagtatanim nang mga bulaklak. I was in a hurry then—" nakikinig ako sa kanya at sa bawat sinasabi niya ay naalala ko ang mga nangyari noon.

Biglang may dumaang lalaking naka hoodie at nasagi niya ang ilang books dahilan para mahulog ito from the shelf pero ni hindi man lang ito lumingon at parang wala man lang nasagi. Syempre nainis ako mamaya ako pa mapagbintangan at ako pa ang magligpit ng mga ito kaya naman sinundan ko ang naka hoodie at tinawag ito.

"Hoy! Teka lang!" sigaw ko rito, mabuti na lang mukhang hindi naman ito bingi at agad itong lumingon.

Nakashades pa ito at OMG ang gwapo, kaya medyo natigilan ako.

"Yes?" nakakunot noo nitong tanong

"Yung boses mo—" kaboses niya ang lalaki sa panaginip ko and may kamukha siya pero di ko maalala kung saan ko nakita.

"Look, I don't have time to talk to you. I'll go ahead miss" paalam nito at aalis na sana pero agad akong tumakbo papunta sa kanya at sa kamalas-malasan nga naman napatid ang paa ko sa iilang libro na nahulog galling sa shelf kaya napayakap ako sa kanya ng wala sa oras. "Okay ka lang?" marahan nitong tanong

Tumayo ako ng maayos habang hawak-hawak niya ako sa magkabilang braso ko.

"Y—yeah, pero kasi kaya kita hinabol kasi—" nahihiya kong sabi di ako makatingin sa kanya, bakit kasi ang gwapo niya and mas lalo ko siyang naikukumpara doon sa lalaki sa panaginip ko.

"Kasi?" maikli nitong tanong

Huminga muna akong malalim para pakalmahin ang systema ko. Bakit ganito, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito and usually pag ganitong hinahawakan ako ng mga kaklase kong lalaki naiinis ako kaagad, pero sa lalaking to I feel comfortable.

"Nasagi mo kasi ang iilang libro from the shelf and I thought maybe if you're a good person, you might want to put it back?" nahihiya kong sabi

Napangiti naman ito.

"Ahh I see—" sabi nito at napatingin sa may likuran ko kung nasaan ang mga books, agad itong naglakad papunta doon at sinimulan nang pulutin ang mga libro at binalik ito ng maayos sa may shelf bago ako hinarap ulit "Okay na ba miss?" nakangiti nitong tanong

Napatango ako at napahawak ako sa may dibdib ko kasi parang gusto ng lumabas ng puso ko galling rito. Lumapit ito sa akin, tinanggal nito ang shades niya at yumuko ng bahagya para matingnan ako ng mas mabuti since mas matangkad ito sa akin.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon