RIELLE’S P.O.V
“Argh!” inis na sambit ni Thea sabay walk out at agad din namang tinigil ni Wayne ang paghalik sa akin.
Naka alis na si Thea pero ako nakatulala parin at nakahawak sa labi ko.
“Ano? Tatayo na lang ba tayo ditto o magpapractice tayo ng sayaw natin?” nakangiti nitong tanong na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko
“Pero—ahm—Wayne yung—yung—“ di ko alam paano sasabihin
“Yung?” balik nitong tanong
Nakakainis naman e, painosente pa tong lalaki to. Balak pa akong pahirapan, pero hindi pwedeng di naming pag usapan yun first kiss ko yun e. Kaya naman huminga ako ng malalim at hinarap ko na siya.
“Why did you kiss me?” seryoso kong tanong, akala ko susupladuhan niya ako pero bigla itong tumawa.
“Just because I want to” maikli nitong sabi at tumawa ulit
Napakunot ang nook o at nakakaramdam na ako ng inis.
“Can you please answer me seriously for once?” inis kong sambit
Tumgil ito sa pagtawa,tumikhim ito bago muling nagsalita.
“Just like what I told Thea—“ walang gana nitong sabi kaya napa fold arms ako sa harapan “I just kissed my girlfriend which turns out to be you, that’s all” dugtong pa nito
Napataas ang kilay ko kasi may amnesia ba ang lalaking ito o nauntog ba ang ulo ko at wala akong kaalam-alam na kami pala?
“Girlfriend? Kailan pa nagging tayo?” nalilito kong tanong
Huminga naman ito ng malalim at agad na lumapit sa akin. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko bago nagsalita ulit.
“Just momenta ago. You’re my girlfriend now” deklara nito
“Ano?!” napataas naman ang boses ko kaya napatingin sa amin ang ilan naming mga kasama doon.
“Wag ka ngang sumigaw” pabulong nitong sabi “Look, starting from today girlfriend na kita. Okay?”
Nakatingin ako sa mga mata niya at di ko makita ang hinahanap kong emosyon na gusto kong makita. Para lamang niyang sinabing magkaibigan na kami sa nakikita kong expression sa mukha niya.
“Girlfriend? Bakit ako? I mean madami namang iba diyan kung naghahanap ka lang ng babaeng maihaha—“ di ko natapos ang sasabihin ko dahil mas nilapit nito ang mukha niya sa mukha ko
“Bakit ba ang dami mong tanong? Ayaw mo bang maging girlfriend ko?” inis nitong sabi
Natigilan naman ako, alam niyo yung feeling na pag nagkamali ako sa sagot ko sa kanya there would be no turning back, he would be distant to me again. Baka di na naman niya ako pansinin and worst baka masayang lang lahat ng efforts ko kapag mali ang masasagot ko. Actually, di nga ako masyado nainis sa ginawa ni Wayne e, sa totoo nga bumilis ang tibok ng puso ko at ang saya ng buong systema ko.
Hindi ba parang chance ko na to na matupad ang nasa bucket list ko? I mean ito na si Wayne Ordonez sa harapan ko at tinatanong ako kung ayaw ko bang maging girlfriend niya? Should I grab the opportunity or hindi? Pero kasi sayang e, bahala na.
“Gusto” nahihiya kong sabi “Pero kasi—“ magsasalita pa sana ako na parang ang bilis naman at di niya man lang ako niligawan tapos girlfriend agad? Pero nagsalita siya agad.
BINABASA MO ANG
Forever Fated with you [COMPLETED]
RomantikRielle Gonzales ay isang simpleng babae, she lives a simple and happy life. She lives her life like it was her last, ayaw niya kasing magkaroon ng regrets kapag hindi niya magagawa ang lahat ng nasa bucket list niya. Malapit niya na nga itong matapo...