FFWY 29 - Can't Take My Eyes Off You

397 14 2
                                    

CIELO'S P.O.V

Exactly 7pm ay sinundo ako ni Wayne sa hotel room ko. Mabuti na lamang at sa dinami-dami nang pinagpilian kong damit at sa ilang oras napag iisip kung anong susuotin ko ay di naman ako nagkamaling piliin ang isang simple flowing beach dress ko. When I saw Wayne waiting outside my room ay napabuntong hininga ako dahil nakita kong naka simple black pants lamang ito, and white polo shirt pero despite the simplicity of it ay di maitatangging mas nagging gawapo siya sa paningin ko.

"Sobrang pogi ko ba baby at di mo na maalis ang tingin mo sa akin?" he asked me teasingly at naramdaman ko agad ang pag iinit nang pisngi ko kaya I just rolled at my eyes at him na ikinatawa niya lamang.

Mabilis niya namang hinawakan ang isa kong kamay ay inakay na ako palabas nang room.

"Where are we going? And who am I gonna meet tonight?" curious kong tanong rito. Humarap lamang ito sandali sa akin at ngumiti bago nagsalita "Sekretong malupet. Just relax, you'll enjoy this night" masaya nitong tugon

Kaya naman di na ako nagtanong pa at nagpa akay na lamang ako sa kanya. Napansin kong lumabas kami nang CGC Hotel kaya napakunot noo ako, ibig sabihin hindi kami sa hotel dinning kakain kundi somewhere else.

Pagkalabas naming nang hotel ay may naghihintay na sa aming beach service na umaandar gamit ang batteries. Yung mga typical na parang mukhang golf cart pero itong isang 'to mixed golf cart and ATV style. Inalalayan niya akong sumakay bago siya tumabi sa akin.

"Mas lalo tuloy akong na cucurious kung saan mo ba talaga ako dadalhin" nag aalala kung tanong. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung kanino niya ako ipakikilala at isa pa hindi naman kami. As far as I know wala kaming napag uusapan kung ano nga ba kami.

Naramdaman ko naman na hinawakan niyang muli ang kamay ko na nasa may lap ko at pinisil niya ito nang bahagya kaya napatingin ako sa kanya.

"Baby, I'm here. Di ka dapat kabahan o matakot dahil kasama mo naman ako" seryoso nitong sabi sa akin kaya napangiti ako nang bahagya.

Di nagtagal ay nakarating kami sa isa sa mga private restaurants sa loob nang CGC Hotel and Resorts. Ang ganda dito, yung tipong nasa tabing dagat ay may mga lounges na parang nakabaon sa sand plus may mga mini tents din nan aka set up. May bar sa gitna at kakaunti lamang ang mga tao. Ang alam ko sobrang mahal ditto kaya nga ngayon lang din ako nakapunta ditto kahit na ilang araw na kaming nandito sa resort. Buti na nga lang galante yung sponsor na si Mr. Xen Chen at ang asawa niya kaya nakapagtagal kami ni Tito Dee dito na walang inaalala.

"Ang ganda noh?" marahang tanong ni Wayne sa akin na ikinatango ko naman. Di ko na napansin kung saan ako inaakay ni Wayne dahil abala ako sa pagtingin sa paligid.

Kung di niya pa pinisil nang bahagya ang kamay kong hawak niya ay di ako mapapatingin sa kanya. Nang mapatingin akong muli sa kanya ay napansin ko ang isang matandang babaeng nakatayo sa harapan naming at nakangiti. Agad na lumapit si Wayne dito at hinalikan niya sa pisngi ang matanda.

"Mananay, kanina ka pa ba dito?" alalang tanong ni Wayne sa matanda.

"Kadarating ko lang din anak, hinatid ako ni Venus" masayang sabi nito pero nakatingin sa akin "Aba'y eto na ba iyong kinukwento mo sa aking nagpapangiti sa'yo Yanie?" agad na tanong nito na ikinainit muli nang pisngi ko

"Anak? Hindi kaya lola ito ni Wayne?" di ko maalis na itanong sa sarili ko

Agad naman akong hinila palapit ni Wayne at agad akong inakbayan.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon